Richard Gomez, suportado ang misis na si Lucy Torres kung tatakbong senador

Richard Gomez, suportado ang misis na si Lucy Torres kung tatakbong senador

- Suportado ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang misis na si Lucy Torres kung tatakbo itong senador sa susunod na eleksyon

- Ayon kay Goma, posibleng tumakbo sa national election si Lucy na kasalukuyang congresswoman ng 4th District ng Leyte

- Sa isang Facebook post, nagbahagi si Lucy ng kanyang sariling opinyon ukol dito

- Dati nang nababalitang tatakbong senador ang misis ni Goma ngunit nilinaw nito na wala pa itong desisyon hanggang ngayon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Suportado ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang misis na si Lucy Torre Gomez kung magdesisyon itong tumakbo sa national election.

Sa isang panayam kay Goma ng Manila Bulletin, sinabi ng actor-politician na posibleng tumakbo para sa mas mataas na pwesto si Lucy, na kasalukuyang congresswoman ng 4th District ng Leyte.

Read also

Kristel Fulgar, binahagi ang kanyang kauna-unahang original Korean song

Ngunit paglilinaw nito, pinag-iisipan palang nila ang tungkol dito.

Richard Gomez, suportado ang misis na si Lucy Torres kung tatakbong senador
Photo: Richard Gomez and Lucy Torres (@lucytgomez)
Source: Instagram

"What she wants is where she could serve best. We’re still thinking about it and I am just here to support whatever her decision is," ani Goma sa panayam.

"Kung maganda ‘yung survey niya at susuportahan siya ng buong Region 8 o ng Visayan Region malaking bagay," sabi pa nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, nang tanungin naman ang alkalde kung ito ba mismo ay may planong tumakbo sa mas mataas na posisyon, sinabi ni Goma na nais muna nitong mag-focus sa Ormoc.

"For now it is not in my plans. Kailangan ko muna ayusin ‘tong Ormoc at ‘yung district namin so dito muna ako magfofocus," sagot nito.

Samantala, sa isang Facebook post tungkol sa pagtakbo niya, sinabi ni Congresswoman Lucy na tanging ang Panginoon lang ang may alam ng lahat.

Read also

Annabelle Rama, hindi nakatulog nang mabalitaang ang pagkamatay ni Ricky Lo

"Only God knows, only time will tell ...

"For now, I have a job to do as Representative of the 4th District of Leyte," sabi sa post.

Noong Pebrero sa isang report ng Rappler, kumalat ang balitang tatakbo na si Lucy sa pagka-senador sa susunod na eleksyon ngunit nilinaw nito na wala pa itong desisyon tungkol doon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan lang ay ipinagdiwang nina Richard at Lucy ang kanilang 23rd wedding anniversary. Sa isang video, biniro pa ni Goma ang misis na hindi siya "maaaswang" ng ibang babae.

Sa isa pang report ng KAMI, kilig vibes naman ang hatid ng couple sa isang larawang ibinahagi ng kanilang anak na si Juliana Gomez.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel