Le Chazz, nag-iwan ng mensahe at tula para sa kanyang bestfriend

Le Chazz, nag-iwan ng mensahe at tula para sa kanyang bestfriend

- Ang matalik na kaibigan ng komedyanteng si Le Chazz ang nakatuklas tungkol sa kanyang pagpanaw

- Ayon sa mga lumabas na ulat, natagpuang walang buhay ang komedyante sa kanyang bahay nitong May 1, 2021

- Ibinahagi naman ng kanyang bestfriend na si AJ Tamiza ang iniwang sulat at tula ni Le Chazz para sa mga taong mahahalaga sa kanya

- Kabilang sa kanyang naiwang sulat ay ang isang tula na para sa kanyang matalik na kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naantig sa ibinahaging litrato ng sulat na ginawa ni Le Chazz para sa mga mahahalagang tao para sa kanya bago pa siya pumanaw kabilang na sa kanyang bestriend na si AJ Tamiza.

Isang tula din ang kanyang iniwan kung saan sinabi niyang masaya siya at gusto niyang huwag nang umiyak ang kanyang matalik na kaibigan dahil makikita din sila sa kabilang buhay pagdating ng panahon.

Read also

Online seller na senior citizen, kumikita ng kalahating milyong piso kada live selling

Le Chazz, nag-iwan ng mensahe at tula para sa kanyang bestfriend
Photo: Richard Vargas Yuzon (Le Chazz Nightingale)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami naman ang naantig sa isang live video na ginawa ni AJ kung saan kinanta niya ang ilang awitin para sa kaibigan. Hindi pa rin nito mapigilang maiyak kahit kitang-kita na pilit nitong nilalabanan ang pagpatak ng kanyang mga luha.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Le Chazz ay lalong sumikat nang maging bahagi ng Wowowin sa GMA-7 noong 2018 hanggang 2019 bilang co-host ni Willie Revillame.

Naging bahagi din siya ng mga programang Banana Split: Extra Scoop noong 2011 at Banana Nite noong 2013 sa ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Taong 2019 nang dalawa sa mga kilalang komedyante sa bansa ang namaalam.

Read also

Birthday boy sa Bulacan, nagtayo ng community pantry kaysa magkaroon pa ng party

Isa na rito si Domingo Vusotros Brotamante Jr. o mas kilala bilang si Bentong na inatake sa puso at pumanaw noong Pebrero 9, 2019 sa edad na 55. Sinasabing isa rin sa nagpahirap kay Bentong ang pagkakaroon niya ng diabetes.

Gayundin halos ang nangyari kay Chokoleit. Nagpaka-propesyunal pa ito na kahit mayroon nang nararamdaman, ay sumalang pa rin sa entablado sa kanyang show sa Abra.

Bigla na lamang nitong nilisan ang stage ng mas maaga, inatake sa puso at 'di nagtagal ay pumanaw na agad. Marso 9, 2019 naman siya pumanaw sa edad na 46.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel