Dingdong Dantes, kinaaliwan matapos mangulit habang ini-interview si Marian Rivera

Dingdong Dantes, kinaaliwan matapos mangulit habang ini-interview si Marian Rivera

- Masayang pinaunlakan ni Marian Rivera si Aiko Melendez sa kanyang imbitasyon na maging guest ito sa kanyang YouTube video

- Hindi inatrasan ni Marian ang mga katanungan ni Aiko para sa kanya tungkol sa kanyang personal na buhay at sa kanyang buhay bilang isang ina at asawa

- Hindi naman maitago ni Aiko ang kanyang paghanga sa aktres dahil bukod umano sa pagiging totoo nito, nagagandahan din siya dito

- Kinaaliwan naman ng mga netizens ang pagiging makulit ni Dingdong Dantes habang nag-uusap ang kanyang asawa at si Aiko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi ikinaila ni Aiko Melendez na isa siyang fan ni Marian Rivera. Maging noong kakalipat pa lamang niya ng estasyon galing ABS-CBN, proud si Aiko na sabihing fan siya ng Kapuso Primetime Queen.

Dingdong Dantes, kinaaliwan matapos mangulit habang ini-interview si Marian Rivera
Marian Rivera and Dingdong Dantes (@marianrivera)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Jelai Andres, inilahad ang pagiging sobrang seloso ng kanyang ex

Game naman na nakipagchikahan si Marian sa kanyang Ate Aiko na excited nang makatrabaho sa isang proyekto si Marian.

Ayon kay Marian, nabanggit daw ni Dingdong noon na may hawig silang dalawa ni Aiko lalo na sa kanilang mga ilong.

Habang patuloy sa pag-uusap ang dalawa, nakuhanan ang kakulitan ni Dingdong Dantes na sumayaw-sayaw habang nasa loob ng bahay. Hindi napigilang matawa ni Aiko nang makita ito.

Nang patapos na ang vlog, lumapit din si Dingdong para batiin si Aiko. Kinantyawan pa ito ni Aiko na kailangan siya ang maging direktor ng proyektong gagawin nila ni Marian.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Marian Rivera ay ang isa sa mga pinaka sikat na artista sa Kapuso network. Naging bida siya sa Kapuso shows na “Darna” at “Marimar”

Kinasal siya sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014. Ipinanganak ang panganay na anak na si Zia noong November 23, 2015 at April 16, 2019 niya pinanganak ang pangalawang anak na si Ziggy na nagdiwang kamakailan ng kanyang ikalawang kaarawan.

Read also

Mystica, pinagmumura sina Angel Locsin at Liza Soberano

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, binahagi ni Marian na kung hindi siya artista, malamang ay isa na siyang guro dahil ito umano ang kanyang gusto bukod sa pag-aartista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel