Marian Rivera, inaming gustong maging teacher kung di naging artista

Marian Rivera, inaming gustong maging teacher kung di naging artista

- Inamin ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera Dantes na gusto niyang maging isang teacher kung hindi naging artista

- Sa kanyang Instagram story, ilang katanungan mula sa mga followers ang kanyang sinagot

- Samantala, nagdiwang ng kanyang second birthday ang bunso nina Marian at Dingdong Dantes na si Sixto

- Ilang larawan mula sa celebration ng kaarawan ni baby Sixto ang ipinasilip ng celebrity couple

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera Dantes na gusto niyang maging isang guro kung hindi naging sikat na artista.

Ito ay ibinahagi ni Marian sa kanyang Instagram story kung saan sinagot ni Marian ang ilang katanungan ng kanyang mga followers.

Nagtapos sa kolehiyo si Marian sa kursong Bachelor of Arts in Psychology sa De La Salle University-Dasmariñas bago naging isang aktres.

Read also

Vic Sotto at Pauleen Luna, masayang nakipaglaro sa anak sa kiddie pool nito

Marian Rivera, inaming gustong maging teacher kung di naging artista
Photo: Marian Rivera Instagram story (@marianrivera)
Source: Instagram

Samantala, nagdiwang ng kanyang second birthday ang bunso nina Marian at mister nito na si Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, na si Jose Sixto IV o baby Ziggy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ilang larawan mula sa simpleng birthday celebration ni baby Ziggy ang ipinasilip nina Marian at Dingdong.

Maraming celebrities at kilalang personalities sa bansa ang bumati sa poging anak ng celebrity couple.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa isa pang report ng KAMI, sweet na sweet sina Marian at Dingdong sa kanilang quality time na ibinahagi ni Marian sa kanyang IG story.

Si Marian Rivera ay isa sa pinakasikat na aktres sa Pilipinas ngayon. Ikinasal ito sa aktor na si Dingdong Dantes noong December 30, 2014 at may dalawang anak, sina Maria Letizia Dantes o Zia at Jose Sixto Dantes IV o Ziggy.

Read also

Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon

Nakilala si Marian sa kanyang pagganap sa Kapuso primetime hits na Marimar, Dyesebel at Darna.

Kamakailan lang nang masangkot sa kontrobersiya si Dingdong matapos maiugnay sa Kapuso young actress na si Lindsay De Vera na diumano'y nabuntis ng aktor. Nauna na itong itinanggi ni Lindsay at tinawanan lang ni Marian.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel