Anak ni Andi at Jake na si Ellie Ejercito, sumailalim sa fashion design classes

Anak ni Andi at Jake na si Ellie Ejercito, sumailalim sa fashion design classes

- Binahagi ni Jake Ejercito sa social media ang video ng kanyang anak na si Ellie Ejercito habang nakikibahagi sa fashion design classes

- Ipinakita nito ang bahagi kung saan nagapakilala ng kanyang sarili si Ellie sa harap ng kanyang tablet habang nasa isang online class

- Sa kanyang introduction ay nabanggit ni Ellie ang kanyang katangiang “interested in fashion"

- Matatandaang sinundo ni Jake si Ellie sa Siargao para magbakasyon at makapiling ang ama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi maipagkakailang supportive daddy si Jake Ejercito pagdating sa kanyang anak na si Ellie Ejercito. Sa kanyang Instagram stories ay pinakita ni Jake ang anak habang dumadalo sa isang online class ng fashion design.

Anak ni Andi at Jake na si Ellie Ejercito, sumailalim sa fashion design classes
Ellie and Jake Ejercito (@unoemilio)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ciara Sotto, kinabiliban sa kanyang binahaging pole pose

Sa kanyang pagpapakilala sa kanyang sarili, sinabi ni Ellie na interisado siya sa fashion.

“First session of Fashion Design for Kids,” ani Jake sa caption ng kanyang post. Naka-tag din ang School of Fashion and Arts (SoFA) Design Institute.

Nakasaad naman sa website ng naturang institusyon na ang workshop ay para sa mga batang 8-12 taong gulang na may layong madiskubre ng mga bata ang world of fashion.

“Each session focuses on a historical era with a distinctive fashion inspiration where the instructor helps them to recreate their own fashion pieces."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ellie Ejercito ang panganay na anak ni Andi Eigenmann sa dati nitong boyfriend na si Jake Ejercito. Matapos mapatunayan na si Jake ang tunay na ama ni Ellie, aminado si Jake na nagulat siya ngunit natuwa siya sa nalaman.

Read also

Richard Gutierrez, biniro ni Sarah Lahbati matapos amining crush pa rin niya ito

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon.

Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel