Heart Evangelista, sinopla ang nagsabing magpaparetoke sa gumawa sa ilong niya

Heart Evangelista, sinopla ang nagsabing magpaparetoke sa gumawa sa ilong niya

- Hindi pinalagpas ni Heart Evangelista ang tweet ng isang netizen ukol sa kanya

- Ayon kasi sa netizen, magpaparetoke ito ng ilong sa doktor na gumawa umano sa ilong ng aktres

- Matagal nang sinagot ni Heart ang isyu at nilinaw na wala siyang ipinagawa sa kanyang mukha

- Hinikayat din nito ang netizens na ipagbigay alam sa kanya kung mayroong mag-claim na siya ay nagparetoke

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pinalagpas ni Heart Evangelista ang tweet ng isang netizen kung saan nabanggit siya.

Ayon sa naturang tweet ng netizen na ngayon ay burado na, magpaparetoke ito ng ilong sa doktor na siya umanong gumawa ng ilong ni Heart.

Agad itong nilinaw ng actress slash vlogger sa pamamagitan ng social media.

Heart Evangelista, sinopla ang nagsabing magpaparetoke sa gumawa sa ilong niya
Photo: Heart Evangelista poses for the camera (@iamhearte)
Source: Instagram

"Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you . Please give me the name . You can actually sue him for lying to you," ani Heart.

Read also

Robin Padilla, nag-sorry sa isang AFP colonel na kumasa sa hamon niya

Matagal na ring sinagot ni Heart ang isyung ito at sinabing hindi siya kailanman nagparetoke. Pero paglilinaw din nito, hindi siya against sa pagpaparetoke kung ito naman daw ay para sa ikagaganda.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Samantala, hinikayat din ni Heart ang mga netizens na ipagbigay alam sa kanya kung may mga ganitong claims tungkol sa kanya.

"To anyone who claimed the same to you pls message me their names. This is horribly wrong . To lie to you about this is just so so wrong . I’d rather a rumor then someone actually claiming they did my nose ( I did not )," ayon sa tweet ni Heart.

Samantala, kamakailan lang, naging usap-usapan ang direktang pagtatanong ni Heart sa amang si Rey Ongpauco kung bakit hindi ito nakapunta sa kasal nila ni Governor Chiz Escudero.

Read also

Rabiya Mateo, ipinakita ang kanyang natural na ganda sa publiko

Aminado naman ang daddy ni Heart na nanghihinayang ito na hindi nakadalo sa kasal ng anak matapos itong tanungin kung ano ang pinag-awayan nila ni Gov. Chiz.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero o mas kilala bilang Heart Evangelista ay isa sa mga sikat na aktres sa bansa. Ito rin ay hinahangaan 'pag dating sa fashion. Siya ay kasalukuyang first lady ng Sorsogon kung saan Gobernador ang asawang si Chiz Escudero.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel