Robin Padilla, nag-sorry sa isang AFP colonel na kumasa sa hamon niya

Robin Padilla, nag-sorry sa isang AFP colonel na kumasa sa hamon niya

- Matapang ang naging pahayag ni Robin Padilla sa isang video kung saan hinamon niya ang ilang mga kritiko ng pamahalaan na bumuo ng anti-China militia

- Ito ay sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa pamamalagi ng mga Chinese vessels sa West Philippines Sea

- Isang AFP colonel naman ang kumasa sa hamon niya ngunit aniya, bago nila gawin iyon ay sumailalim muna si Robin sa ilang mga hakbang para maging karapat-dapat na maghamon

- Agad namang humingi ng dispensa si Robin kung na-offend umano ang colonel sa kanyang video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Inihingi ng dispensa ni Robina Padilla sa isang AFP colonel ang kanyang ginawang video kung naka-offend umano ito sa kanya.

Ito ay matapos hamunin ni Robin ang ilang kritiko ng pamahalaan na bumuo sila ng anti-China militia at sumugod doon para tapatan ang mga Chinese vessels sa West Philippine Sea.

Read also

Mariel Padilla, hindi na naka-palag kay Robin Padilla sa pagpunta nito sa WPS

Robin Padilla, nag-sorry sa isang AFP colonel na kumasa sa hamon niya
Robin Padilla led the protest in Liwasang Bonifacio in Manila with the costume of Andress Bonifacio. 2014/11/30 (Photo by Gregorio B. Dantes Jr./Pacific Press/LightRocket)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ilan sa mga hinamon ni Robin ay sina Sen. Kiko Pangilinan, Sen. Risa Hontiveros, Sen. Ping Lacson, at former Associate Justice Antonio Carpio para samahan siyang sugurin ang mga Chinese na nasa WPS.

“Kung talagang matapang kayo, sumama kayo sa akin. Tayo ay maging militia. Tapatan natin ‘yung militia nung mga Chinese. Pumunta tayo doon, lumayag tayo, mangisda tayo doon. Tumambay din tayo roon kasi atin ito. Yung aking alok sa inyo ay seryoso. Pina-public ko ito para hindi tayo nagbobolahan lang," aniya sa isang Facebook live nitong Huwebes.

Kumasa naman sa hamon niya si Lt. Col. Mike Logico ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ng sagot nito sa comment section.

Aniya, handa siyang samahan si Robin sa kondisyong kailangang sumailim muna sa tamang mga hakbang para maging karapat-dapat na maghamon sa sinumang government officials.

Read also

Isang eksena sa FPJ's Ang Probinsiyano, viral sa social media

Humingi naman ng dispensa si Robin kay Logico kung na-offend umano ito sa kanyang video.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist.

Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

PAY ATTENTION: Don't miss the latest Filipino news and the hottest celebrity stories! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay inamin ni Robin na nagtalo sila ng kanyang misis na si Mariel kaugnay sa vaccination ng kanilang mga anak.

Nakatanggap naman ng mensahe ang anak ni Robin na si Isabella mula sa kanyang ninong Digong kamakailan.

Read also

Paula Peralejo, ibinahagi ang kanyang simpleng buhay probinsiya

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate