Alex Gonzaga, nawindang sa 'katatakutang wish' para sa kanya ni Herlene Budol

Alex Gonzaga, nawindang sa 'katatakutang wish' para sa kanya ni Herlene Budol

- Hindi napigilan ni Alex Ginzaga ang mag-react sa 'katatakutang' wish para sa kanya ni Herlene "Hipon Girl" Budol

- Sa kanyang Instagram story kasi, sinabi ni Hipon Girl na sana raw ay "di mamatay si Alex" dahil sobrang touched ito sa tulong ng sikat actress-vlogger

- Sa kanyang account nagpahayag naman ng suporta si Alex para kay Herlene

- Nag-viral kamakailan ang dalawa matapos ang "Gucci prank" ni Alex kay Herlene

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Alex Gonzaga ang mag-react sa "katatakutang" wish para sa kanya ni Herlene "Hipon Girl" Budol.

Sa kanyang Instagram story kasi, sinabi ni Hipon Girl na sana raw ay "di mamatay si Alex" dahil sobrang touched ito sa mga tulong sa kanya ng actress-vlogger.

"Ate @cathygonzaga Bang solid mo sana dika mamatay," ayon kay Herlene.

Read also

Luis Manzano, siningil si Alex Gonzaga matapos ang viral prank kay Hipon Girl

Alex Gonzaga, nawindang sa 'katatakutang wish' para sa kanya ni Herlene Budol
Photo: Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

"Tika! Bakit mo dinamay kamatayan dito!" sagot naman ni Alex.

Sa kanyang IG post naman, nagpahayag si Alex ng suporta para sa kanyang kababayan na si Herlene.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Nung una beses palang kita napanood natuwa na ako dahil nakikita ko sayo kung paano kami ng mga pinsan at tita ko mag-usap. Netizens please watch and support my dear kababayan in her vlog! Nagunboxing sya at nanira ng box agad mabuhay mga Rizaleño at mga squammy!!!"

Kamakailan lang nang mag-viral ang dalawa dahil sa "Gucci prank" ni Alex kay Herlene.

Sa kanyang YouTube Vlog, kunwari ay pinagbabayad niya si Herlene ng malaking halaga matapos "sumobra" ang kanyang nakalaang budget para sa collaboration nilang dalawa.

Ginamit pa ni Alex ang kanyang Mommy Pinty Gonzaga para mas lalong matakot si Herlene, dahilan para sa lalong maiyak ang huli.

Read also

Mommy Pinty, ginamit ni Alex Gonzaga para takutin si Herlene 'Hipon' Budol

Marami ang agad na humingi ng part two ng nakakatuwang vlog ng mga ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa isa pang report ng KAMI, siningil ni Luis Manzano si Alex matapos ang kanyang sosyaling prank kay Hipon Girl.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel