Mommy Pinty, ginamit ni Alex Gonzaga para takutin si Herlene 'Hipon' Budol

Mommy Pinty, ginamit ni Alex Gonzaga para takutin si Herlene 'Hipon' Budol

- Hindi na naman nakaligtas sa kakulitan ni Alex Gonzaga ang ina na si Mommy Pinty Gonzaga

- Sa latest vlog ni Alex, ginamit pa nito si Mommy Pinty para mas lalong "kabahan" si Herlene 'Hipon Girl' Budol

- Sa naturang YouTube video, naging biktima ni Alex ang dating co-host ni Kuya Wil sa isang prank

- Ngunit walang kamalay-malay ang sikat na mommy nina Alex at Toni na siya ay idinawit na ng anak sa pananakot kay Hipon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na naman nakaligtas sa kakulitan ni Alex Gonzaga ang inang si Mommy Pinty Gonzaga na ginamit pa nito para takutin ang dating co-host ni Willie Revillame na si Herlene 'Hipon Girl' Budol.

Sa latest vlog ni Alex ay prinank nito si Hipon Girl na kunwari ay pagbabayarin ito ng malaking halaga matapos bilhan sa isang mamahaling brand.

Read also

Dennis Padilla, hindi itinatago ang pagiging sweet sa anak na si Dani Barretto

Tila ginamit ni Alex ang pangalan ni Mommy Pinty para mas lalong kabahan si Herlene.

Mommy Pinty, ginamit ni Alex Gonzaga para takutin si Herlene 'Hipon' Budol
Photo: Alex Gonzaga (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Ngunit wala namang kaalam-alam ang sikat na mommy nina Alex at Toni Gonzaga na siya ay idinawit na ni Alex sa prank nito kay Herlene.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matapos ang ilang minuto ay umamin na rin sina Alex at mga kasabwat nito na "prank" lamang ang paniningil niya kay Herlene na naiyak na lang sa pag-aakalang kailangan niyang magbayad ng malaki.

Nang makaharap ni Hipon Girl ang mga magulang ni Alex pagkatapos ng prank ay walang pag-aalinlangan nitong ipinaalam na naapektuhan siya nang banggitin ang pangalan ni Mommy Pinty.

Suportado naman ng mag-asawang Pinty at Boyong Gonzaga ang ginawa ni Alex para kay Herlene na mukhang aliw na aliw sa dalaga.

Maraming netizens ang humingi ng part two sa collaboration nina Alex at Herlene.

Read also

Vicki Belo, nawindang nang banggitin ni Alex Gonzaga ang "Careless Whisper"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sumikat si Herelene Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programang Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Sa isa pang report ng KAMI, nagpasiklab si Hipon Girl sa isang US Navy na audience ng Wowowin.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel