Donnalyn Bartolome, mas pinili si Zeinab Harake kaysa kay Jelai Andres

Donnalyn Bartolome, mas pinili si Zeinab Harake kaysa kay Jelai Andres

- Sa kanyang panibagong video ay sinagot ni Donnalyn Bartolome ang ilan sa mga nakakaintrigang tanong mula sa mga netizens

- Sa kanyang video na pinamagatang "Sagot o Lagot," mamimili si Donnalyn ng mga tanong na kaya niyang sagutin at para sa mga ayaw niyang sagutin ay kinailangan niyang uminom mula sa mga nakahandang iba't-ibang uri ng "inumin"

- Para sa tanong kung saan pinapili siya sa dalawang kaibigang sina Jelai Andres at Zeinab Harake, mas pinili niya si Zeinab

- Gayunpaman, nilinaw niyang ito ay sa kadahilanang nauna niya nang napili si Jelai sa isa pang vlog niya noon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa gitna ng agam-agam tungkol sa pagkakaibigan nina Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake, naitanong kay Donnalyn kung sino ang pipiliin niya sa dalawang kaibigan niya.

Si Zeinab ang naging sagot ni Donnalyn. Gayunpaman, nagbahagi siya ng kanyang paliwanag kung bakit iyon ang kanyang kasagutan.

Read also

Ivana Alawi, nalasing sa pinakabagong vlog; mamimigay ng Php80,000

Donnalyn Bartolome, pinaliwanag kung bakit mas pinili si Zeinab Harake kesa kay Jelai Andres
Photo from Donnalyn Bartolome (@donna)
Source: Instagram

Aniya, nauna na niyang napili si Jelai sa isang vlog niya kaya pinipili niya si Zeinab para pantay na ang dalawang kaibigan.

Matatandaang naintriga ang tungkol sa kanilang pagkakaibigan matapos mapansin ng ilang netizens na tila wala na silang mga video na ginawang magkakasama sila.

Sinundan pa ito ng paglabas ng isyu tungkol kay Jon Gutierrez at Jelai. Marami sa mga netizens ang nahintay na magsalita ang dalawa para umano ipagtanggol ang kaibigan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, nauna nang nilinaw ni Zeinab sa isang video niya na nakakausap nila si Jelai sa pamamagitan ng private message.

Dagdag pa nito, hindi porke't hindi na sila nakikitang magkakasama ay magkakaaway sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994, sa Yokosuka, Kanagawa Prefecture, Japan. Nakilala siya bilang isang singer, performer, YouTuber at social media influencer. Ilan sa kanyang mga pinasikat na awitin ay Kakaibabe, Paskong Wala Ka, Happy Breakup, Di Lahat at marami pang iba.

Read also

Masipag na batang naglalako ng mga halaman at gulay, umantig sa puso ng netizens

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay ibinahagi ni Donnalyn ang dahilan kung bakit hindi madali para sa kanya ang mag move-on sa kanyang ex-boyfriend.

Sa kabila naman ng maraming mga request ng fans, sinabi ni Donna kung bakit hindi sila pwedeng mag- "Jowa Challenge" ni Hashim Alawi.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel