Ilang residente ng Maynila na nakatanggap ng ayuda, kinagiliwan online

Ilang residente ng Maynila na nakatanggap ng ayuda, kinagiliwan online

- Viral ang TikTok video ng ilang residente ng Maynila na 'di raw inaasahang makakatanggap ng ayuda

- Naaliw ang mga netizens sa kanilang reaksyon nang tawagin ang pangalan nila sa mga mabibigyan

- Animo'y nanalo ang kinatawan ng Pilipinas sa isang international beauty pageant dahil sa nakatutuwang reaksyon ng mga residente

- Sa ngayon, patuloy ang pag-update ni Mayor Isko Moreno sa mga taga-Maynila ng mga nabigyan na ng ayuda at ng bakuna sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Talagang kinagiliwan online ang nakatutuwang reaksyon ng isang grupo ng residente ng Maynila nang malamang mabibigyan sila ng ayuda.

Ibinahagi ng netizen na si Edwin Sanchez sa kanyang TikTok @edwinsanchezx ang reaksyon ng nila ng kanyang mga kasama nang i-anunsyo ang kanilang pangalan sa mga mabibiyayaan ng financial assistance ng lungsod.

"Pasok tayo sa banga!" ang maririnig na nasabi ng kanilang kasama.

Read also

Gerald Anderson, nagbahagi ng quote tungol sa "healing"

Ilang residente ng Maynila na nakatanggap ng ayuda, kinagiliwan online
Photo: one thousand peso bills
Source: Depositphotos

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Animo'y nanalo ang Pilipinas sa isang international beauty pageant dahil sa nakakaaliw na reaksyon nina Edwin.

"Thank you yorme! LT sa reaction hahahahaha #ayuda #fyp #manila"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, Abril 13, patuloy pa rin ang pagbibigay ng update ni Mayor Isko Moreno ng Lungsod ng Maynila patungkol sa pamamahagi nila ng emergency financial assistance mula sa national government.

Ito ay ang ayudang muling ipinamamahagi bunsod nang malagay muli sa enhanced community quarantine ang Metro Manila.

Nangangahulugan kasing marami sa ating mga kababayan ang mapipilitang huminto muna sa pagtatrabaho gayung limitado lamang ang mga hanapbuhay na ipagpapatuloy ang serbisyo at operasyon sa ilalim ng ECQ.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Read also

Kaye Abad at Paul Jake Castillo, nagdaos ng gender reveal para sa ikalawang anak

Mula naman Abril 12 hanggang katapusan ng naturang buwan, sasailalim namang ang NCR Plus sa modified enhanced community quarantine (MECQ) na may bahagyang pagkakaiba sa ECQ.

Patuloy pa rin ang pagpapaalala sa publiko ng mga safety protocols lalo na at hindi pa rin mapigilan ang pagtaas ng mga dumaragdag na kaso ng COVID-19 kada araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica