Itinanghal na Mrs. Sri Lanka, binawian ng korona dahil hiwalay umano sa asawa

Itinanghal na Mrs. Sri Lanka, binawian ng korona dahil hiwalay umano sa asawa

- Nagkagulo ang Mrs. Sri Lanka pageant 2020 nang biglang bawian ng korona ang itinanghal nilang nanalo

- Kinakailangan kasing kasal at hindi divorce sa asawa ang mga sasali at mananalo sa naturang beauty pageant

- Mismong ang Mrs. Sri Lanka 2019 ang nagbunyag sa stage na ang tinanghal na nanalo ay hiwalay na umano sa mister nito kaya ang korona ay ibibigay nila sa 1st runner-up

- Subalit matapos ang ilang araw ng espekulasyon, nabawi ng itinanghal na nanalo ang korona ngunit inamin niyang siya ay isang single mom

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gumawa ng ingay sa buong mundo ang katatapos lamang na Mrs. Sri Lanka 2020. Ito ay dahil agad na nabawian ng korona ang nanalo na si Pushpika De Silva ng reigning Mrs Sri Lanka.

Ilang segundo lamang kasi mula nang mailagay kay De Silva ang korona, bumalik sa entablado ang Mrs. Sri Lanka 2019 na si Caroline Jurie. Sinabi nitong ang nanalo ay ang 1st runner-up dahil sa "divorce" na umano sa asawa si De Silva.

Read also

Fierce! China Roces, pinangaralan si Jelai Andres sa gitna ng isyu kay Badger

"There is a rule that you have to be married and not divorced, so I am taking my first steps, saying that the crown goes to the first runner-up"
Itinanghal na Mrs. Sri Lanka, binawian ng korona dahil hiwalay umano sa asawa
Mrs. World, Caroline Jurie and Mrs. Sri Lanka 2020 Pushpika de Silva (Photo from Mrs. Sri Lanka World)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Matapos ang pag-anunsyo, agad na kinuha kay De Silva ang korona maging ang mga bulaklak at ibinigay sa 1st runner-up.

Subalit makalipas lamang ang ilang araw, nakuha na muli ni De Silva ang korona.

Sa kanya ring Facebook post, inihayag niya ang kanyang saloobin tungkol sa kontrobersiya na bumulabog sa sinalihang pageant.

"I'm not a divorce woman. I say with great responsibility that I am not a divorce woman even at this moment of writing."
"If I wasn't fit at the beginning of this tournament they could have removed me. They weren't sleeping until I came so far after the remaining game events."

Read also

Derek Ramsay, ibinahagi ang 'bonding moment' nila ng baby boy ni Ellen Adarna

Nilinaw niyang hindi siya divorce ngunit isa siyang single mother.

Tinanggap naman ito ng pamunuan ng nasabing pageant kaya naibalik sa kanya ang korona at iba pa niyang premyo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan, nasungkit naman ng Pilipinas ang pagiging 1st runner-up Miss Grand International 2020.

Pinaniniwalaang dahil sa magaganda nitong kasagutan na nagpapakita ng kanyang talino, nakamit ni Samantha Bernardo ang kanyang pwesto.

Samantala, kasalukuyan na ring naghahanda ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo para naman sa Miss Universe na gaganapin sa Florida, USA sa May 16.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel