Officially Mrs. Manzano: Wedding rings nina Luis at Jessy, nakakalula ang ganda

Officially Mrs. Manzano: Wedding rings nina Luis at Jessy, nakakalula ang ganda

- Agaw pansin ang ganda ng wedding rings ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola

- Sa isang Instagram post ni Jessy, ipinost nito ang isang black and white photo ng kanilang mga singsing

- Una nang napabalita na nagkakahalaga ng ilang milyon ang engagement ring ni Jessy

- Gabi ng Linggo, April 4, nang gulatin ng dalawa ang publiko ukol sa kanilang kasal na ginanap pala noon pang Pebrero

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Talagang napakaganda at agaw pansin ang wedding rings ng celebrity couple na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Sa isang Instagram post, ipinost ng Kapamilya actress ang isang black and white photo ng kanilang mga singsing.

Ang jeweler na Manila Diamond Studio ang gumawa ng customized wedding band ng couple, na siya rin palang gumawa ng engagement ring ng aktres.

Read also

Jessy Mendiola at Luis Manzano, ibinahagi ang video ng kanilang intimate wedding

Officially Mrs. Manzano: Wedding rings nina Luis at Jessy, nakakalula ang ganda
Photo: Luis and Jessy's wedding band (@maniladiamondstudio)
Source: Instagram

"@senorita_jessy’s customized wedding band is made of pink diamonds and designed to fit perfectly with her engagement ring, also made by Manila Diamond Studio," ayon sa Ig post ng jeweler.

Ilang celebrities ang hindi naiwasang mag-react dito, kabilang na ang mga Kapuso actress na sina Marian Rivera at Carla Abellana.

Bago ito, napabalitang nagkakahalaga ng ilang milyon ang engagement ring ni Jessy.

Samantala, ang minimalist bridal look naman ng bagong misis ay gawa ng designer na si Patricia Santos.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Gabi ng Linggo, April 4, nang gulatin ng dalawa ang publiko ukol sa kanilang kasal na nangyari pala noon pang February 21, 2021, batay sa report ng Preview at Pep.ph.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

19-anyos na Fil-Am sa California, nabulag ang 1 mata matapos pagbabarilin

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Napag-alaman ng KAMI na ginanap ang intimate wedding ng dalawa sa The Farm at San Benito sa Lipa, Batangas. Ayon sa mga report, nasa 20 katao lamang ang naroon.

Kabilang sa mga naroon ang ama ni Luis na si Edu Manzano at ina na si Vilma Santos, kasama ang asawang si Senator Ralph Recto.

Base rin sa mga reports, nakatakda ang 'full wedding' ng dalawa sa December.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel