Thirdy Lacson, napa-deactivate ng Twitter account matapos mag-viral kamakailan

Thirdy Lacson, napa-deactivate ng Twitter account matapos mag-viral kamakailan

- Trending kamakailan si Thirdy Lacson sa social media kasunod ng ibinahaging TikTok video ng kanyang ex-girlfriend

- Burado na rin ang nasabing video sa account ng kanyang ex ngunit marami sa mga netizens ang nakakuha ng kopya nito

- Kasunod nito ay naging sunod-sunod ang post ni Thirdy sa kanyang Twitter account

- Sa kasalukuyan, wala pang pormal na pahayag si Jodi tungkol sa isyung kinasangkutan ng anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Trending si ang anak ni Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson na si Thirdy Lacson sa social media matapos ang isang TikTok video na ibinahagi ng kanyang ex-girlfriend.

Burado na ang nasabing video subalit, marami sa mga netizen ang nakapag-save ng kopya nito.

Thirdy Lacson, napa-deactivate ng Twitter matapos mag-viral kamakailan
Jodi Sta Maria (@jodistamaria)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

Kasunod nito ay nagbahagi ng mga makahulugang mensahe si Thirdy sa kanyang Twitter:

“Kalmahan nyo lang mga pree lahat tayo nagkakamali. Di tayo perpekto para humusga ng ibang tao. Good vibes lang ako dito sana kayo rin.”
“Alam ko na lahat kayo nagbago ang tingin sakin at may galit siguro pero wala naman akong masisi kaya pasensya sa mga taong dating sinusuportahan ako pero ngayon galit na sakin.”
“Wag na kayo mandamay ng iba. ako ung may issue dito lmao.”
“Kung makikisali kayo sa issue ko sakin nyo labas galit nyo wag sa ibang influencers na wala namang kinalaman.”
Thirdy Lacson, napa-deactivate ng Twitter matapos mag-viral kamakailan
Thirdy Lacson
Source: Twitter

Sa kasalukuyan hindi na makita ang account ni Thirdy sa Twitter.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Thirdy Lacson ay anak ng award-winning actress na si Jodi Sta. Maria at dating asawang si Pampy Lacson. Ikinasal ang dalawa noong March 2005 sa Nevada at sa Parañaque sa parehong taon.

Read also

Jelai Andres, nag-react sa naglabasang litrato kaugnay sa hiwalayan nila ni Jon

December 23, 2005 nang ipanganak si Thirdy na ang tunay na pangalan ay Panfilo Sta. Maria Lacson III.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Kamakailan ay kinaaliwan ang video ni Thirdy kung saan tila pinipigilan niya ang ina sa galit nito habang nasa isang eksena ng kanyang ginagawang teleserye.

Marami rin ang naantig sa menahe ni Thirdy para sa in niya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel