Alex Gonzaga, inutusan si Vice President Leni Robredo na mag-selfie

Alex Gonzaga, inutusan si Vice President Leni Robredo na mag-selfie

- Ginulat ni Alex Gonzaga ang marami sa kanyang mga subscribers at followers sa kanyang guest sa kanyang vlog

- Ang kanyang video na pinamagatang "Mama for a Day by Alex Gonzaga" ay umani ng maraming reaksiyon dahil si VP Leni Robredo ang kanyang guest

- Kinaaliwan ng marami kung paanong pakitunguhan ni Alex maging ang Pangalawang Pangulo ng bansa

- Binisita ni Alex si VP Leni sa mismong opisina nito kung saan nadatnan niya maging ang mga staff na patuloy na nagtatrabaho kahit holiday

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Usap-usapan ngayon ang vlog ni Alex Gonzaga dahil sa kanyang guest. Gayunpaman, kagaya sa lahat ng kanyang ibang vlog, may disclaimer ito na walang halong pulitika kaya hindi ito dapat panoorin ng mga taong sensitibo.

Alex Gonzaga, inutusan si Vice President Leni Robredo na mag-selfie
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Marvin Ignacio, desididong turuan ng leksiyon ang mga nang-harass umano sa kanya

Binisita ni Alex si VP Leni sa mismong opisina nito. Makikita sa kanyang opisina ang tambak-tambak na mga relif goods na araw-araw umani nilang ipinamimigay.

Aminado naman si VP Leni na nanonood siya ng vlog ni Alex maging ang kanyang mga anak. Kwento pa ni Alex, hiyang-hiya siya sa kanyang sinabi kay VP Leni noong sinubukan niya itong i-chat.

Dahil hindi makapaniwalang sinagot siya sa kanyang mensahe tungkol sa pag-aanyaya nito kung pwedeng makasama sa vlog ang Vice President, inutusan pa niya itong magselfie.

Iyo ay para masiguradong hindi umano ito ibang tao. Kapansin-pansin din sa chat ni VP Leni na humingi ito ng paumanhin kay Alex dahil hindi pala verified ang social media account niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Marvin Ignacio, humingi ng tulong matapos daw siya i-harass ng ilang kalalakihan

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel