Ate Gay, na-ospital dahil sa pneumonia; negative sa COVID-19
- Nasa ospital ngayon ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, dahil sa pneumonia
- Ayon sa kapatid nito sa isang panayam, na-admit si Ate Gay simula pa noong March 25
- Batay dito, umaayos na ang lagay ng kapatid at nagpapagaling sa ospital
- Sa isang Facebook post, ipinakita naman ni Ate Gay ang kanyang negative COVID-19 test
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Isinugod sa ospital ang komedyanteng si Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, dahil sa pneumonia.
Sa isang online interview sa kapatid ni Ate Gay na si Mary Ann Morales sa GMA News, napag-alamang na-admit ito noong March 25.
Ayon kay Mary Ann, umaayos na ang lagay nito at nagpapalakas sa ospital.
"Medyo nagre-react naman ang mga gamot sa katawan niya as of now. May development naman. Sana po tuloy-tuloy," anito.
"Kahit papaano nakakausap na siya, medyo lumalakas na po [ta's] nakakatayo," dagdag pa ni Mary Ann.
Sa isang Facebook post ni Ate Gay noong March 14, ipinakita pa nito ang kanyang negative COVID-19 test result.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Bukod dito, isa pang larawan ang ibinahagi nito kung saan makikita ito na nakaupo sa isang wheelchair.
"Pelikula ng totoong buhay magkakasakit gagaling..Lalaban lang," ayon sa caption nito.
Ilang celebrity na malapit kay Ate Gay ang nagpa-abot ng panalangin para sa paggaling nito, tulad nina Aiko Melendez, Ogie Alcasid, Lotlot de Leon, Dominic Roque at iba pa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!
Kamakailan lang nang mabalita ang pagsasara ng siomai business ni Ate Gay sa gitna ng pandemic.
Nag-viral din ang panawagan nito sa GMA Network kaugnay sa hindi umano nabayarang TF ng komedyante sa ilang shows doon.
Si Ate Gay o Gil Morales sa totoong buhay ay isang komedyante, impersonator at singer. Nagkaroon siya ng kanyang unang matagumpay na major concert sa SM Mall of Asia Arena na pinamagatang "Ako Naman... Ate Gay sa Arena".
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh