Angeline Quinto, ipinasilip ang dream house nila ni Mama Bob

Angeline Quinto, ipinasilip ang dream house nila ni Mama Bob

- Ibinahagi ni Angeline Quinto ang isang house tour sa bahay na itinuturing niyang dream house nila ni Mama Bob

- Sa bawat bahagi ng kanilang bahay, ikinuwento ni Angeline ang mga masasayang alaala niya sa kanyang yumaong ina

- Sa kabila ng kanyang pangungulila sa ina, alam niya umanong nasa mabuting kalagayan na ang kanyang Mama Bob

- Marami din sa mga gamit sa kanyang bahay ay iniregalo lamang sa kanya ng mga taong malalapit sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pagpanaw ng kanyang Mama Bob, hindi na nakabahagi ng panibagong vlog si Angeline Quinto dahil na rin sa pagluluksa.

Isang bagong video ang kanyang ibinahagi kung saan inilibot niya sa iba't-ibang bahagi ng kanilang bahay ang kanyang mga manonood.

Angeline Quinto, ipinasilip ang dream house nila ni Mama Bob
Angeline Quinto (@loveangelinequinto)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Janica Nam Floresca, ibinahagi ang kanyang open letter para kay Franco Hernandez

Habang ginagawa niya ito ay inalala ni Angeline ang mga masasayang alaala niya sa kanyang ina. Hindi niya napigilang ikwento ang mga namiss niya sa kanyang mama.

Karamihan din sa mga gamit na nasa kanyang bahay ay iniregalo sa kanya ng kanyang malalapit na kaibigan kabilang na si Vice Ganda na nagbigay sa kanya ng dining table.

Una niya umanong nakita ang dining table sa unang bahay ni Vice at sinabihan niya ang kaibigan na nagandahan siya sa kanyang dining table.

Inakala niyang iyon ang ipapadala sa kanya ni Vice Ganda. Ikinabigla niyang isang bagong dining table ang pinadala ng TV host.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Angeline Quinto ay isang sikat na mang-aawit sa Pilipinas. Una siyang nakilala sa mundo ng entertainment nang sumali siya sa Star Power: Sharon's Search For The Next Female Pop Superstar.

Read also

Heart Evangelista, sobrang na-trauma dahil sa kanyang ex-boyfriend

Bumuhos ang mensahe ng pakikiramay sa mang-aawit matapos lumabas ang balita tungkol sa pagpanaw ng kanyang kinikilalang ina na si Mama Bob.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Marami ang naantig sa mensahe ng pamamaalam ni Angeline para sa pinakamamahal na ina.

Matatandaang hiniling ng mang-aawit sa mga netizens na isama sa kanilang panalangin ang kanyang ina noong nakaraang buwan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel