Alex Gonzaga, pinabulaanan ang tsismis na buntis na umano siya

Alex Gonzaga, pinabulaanan ang tsismis na buntis na umano siya

- Matapos ibahagi ni Alex Gonzaga ang isang video na kung saan kumakain siya ng mangga't bagoong, marami ang lumabas na espikulasyong buntis na siya

- Agad namang kinontra ni Alex ang tsismis at sinabing sadyang mahilig lang talaga siya sa mangga

- Kasunod nito, may tweet siya tungkol sa big blessing na nataggap niya na inakala ng marami na baby ang tinutukoy nyang blessing

- Gayunpaman, muling nilinaw ni Alex na hindi iyon ang tinutukoy niyang big blessing na kanyang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling pinabulaanan ni Alex Gonzaga ang mga lumabas na usap-usapan tungkol sa umano'y pagdadalang-tao niya.

Ito ay matapos niyang ilabas ang kanyang pasasalamat sa Panginoon sa malaking blessing na kanyang natanggap.

Alex Gonzaga, pinabulaanan ang tsismis na buntis na umano siya
Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)
Source: Instagram
Wow!!! Thank you Lord!!!! Today isn’t really an ordinary day!!! I got a big blessing today! Praise God! Claim mo talaga!

Read also

Sharon Cuneta, emosyonal nang malamang naka-life support na lang si Fanny Serrano

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na pinangalanan ni Alex ang kanyang natanggap na blessing ngunit sa isa pang tweet ay nilinaw niyang hindi pa siya buntis at hindi ito ang kanyang tinutukoy na blessing. Sinagot niya ang isang netizen na bumati sa kanya tungkol sa pagbubuntis umano nito.

Wooops. Sorry hindi pa po. Ibang blessing po sinasabi ko. Waking up every morning is a already a blessing

Matatandaang bago pa man ito naganap, lumabas ang tsismis na buntis siya matapos niyang ibahagi ang video na sarap na sarap siya sa manggang hilaw at bagoong.

Paglilinaw niya, mahilig lang talaga siya sa mangga.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Alex Gonzaga ay ang nakababatang kapatid ng TV host na si Toni Gonzaga. Ikinasal siya kay Mikee Morada, isang businessman noong Nobyembre 2020. Bukod sa pag-arte at hosting, busy din siya sa kanyang vlog tungkol sa mga makeup tutorials at travel adventures.

Read also

Lalaking pumasok sa iba't ibang trabaho mula pagkabata, isa na ngayong principal at negosyante

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa si Alex sa pinakamatagumpay na artistang naging vlogger. Sa katunayan, kamakailan lang ay umabot na sa 10 milyon ang kaniyang mga subscribers.

Ipinakita niya rin ang kanyang bagong sasakyan na nagkakahalaga ng mahigit isang milyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel