Ivana Alawi, hindi pinagkaila ang pagiging waitress ang unang naging trabaho

Ivana Alawi, hindi pinagkaila ang pagiging waitress ang unang naging trabaho

- Naibahagi nina Ivana at Hashim Alawi na parehas silang nagsilbi sa restaurant noong nasa abroad sila

- Sa kanilang murang edad ay tinuruan sila ng kanilang ama na kailangang magtrabaho para magkapera

- Pagmamay-ari ng kanilang ama ang nasabing restaurant at na-enjoy at nag-aagawan pa umano sila noon na magpunas ng mga mesa

- Sa kasalukuyan, si Ivana ay maituturing na isa sa pinakamatagumpay na local YouTube content creator

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa YouTube vlog na ibinahagi ni Hashim Alawi sa kanyang sariling YouTube channel, nagpaligsahan ang dalawang kapatid niyang sina Mona at Ivana Alawi kung sino ang mas nakakakilala sa kanilang kapatid na si Hash.

Ivana Alawi, hindi pinagkailang pagiging waitress ang unang naging trabaho
Ivana Alawi (@ivanaalawi)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga naitanong ni Hashim ay kung ano ang kanyang unang naging trabaho. Bilang nagkasama sila noon, alam na alam iyon ni Ivana. Gayunpaman, si Mona ay hindi na nila nakasama doon dahil mas bata ito ng di hamak sa kanila.

Read also

Gerald Anderson, ibinida ang video ng pagluluto ng Samgyupsal ni Julia Barretto

Naibahagi nila Hash at Ivana na nagsilbi sila bilang tagasilbi sa restaurant ng kanilang namayapang ama.

Pinagsilbi sila ng kanilang ama sa restaurant niya para magkapera umano sila. Kaya naman, hindi kataka-taka na si Ivana ay kilala bilang isa sa pinakamtatagumpay na YouTube content creator sa bansa.

Sa kabila ng minanang yaman mula sa ama ay patuloy itong nagtatrabaho hindi lamang bilang artista kundi bilang YouTuber at product endorser.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Ivana Alawi ay naunang nakilala nang sumali siya sa "StarStruck" sa GMA-7. Dahil sa kanyang taglay na ganda, sumikat siya sa social media pati na rin sa mundo ng vlogging. Sa kasalukuyan, umabot na sa mahigit sampung milyon ang kanyang YouTube subscribers.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sa kanyang pagdiwang ng pagkakaroon ng 10 milyong subscribers, namahagi si Ivana ng biyaya sa mga nangangailangan.

Read also

Ilang miyembro ng Beks Batallion at Beks Friends, tinamaan ng COVID-19

Kamakailan ay naging usap-usapan ang isang vlog niya kung saan naikwento niya ang tungkol sa paninigaw umano sa kanya ng isang TV host.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel