Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya

Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya

- Ikinabigla ni Nancy Castiglione ang pagdami ng kanyang followers sa social media nitong nakaraang mga araw

- Naniniwala siyang may kinalaman ang lumabas na article tungkol sa kanya sa pagdami ng followers

- Ang lumabas na article kamakailan tungkol sa kanya ay tungkol sa malaking pagbabago sa kanyang mukha

- Mas maganda sana umano kung positibo ang headlines gayunpaman, dahil sa dami ng bagong followers ay minabuti niyang sagutin ang mga katanungan ng mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinabigla ni Nancy Castiglione ang biglaang pagdami ng kanyang followers sa kanyang social media account.

Aniya naniniwala siyang may kinalaman ang artikulong lumabas tungkol sa kanya. Gayunpaman, mas maganda umano sana kung hindi ganoon ang naging headline ng nasabing article.

Nancy Castiglione, umalma sa lumabas na isang article tungkol sa kanya
Nancy Castiglione (@nancycastiglione)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Toni Fowler, ipapamigay ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

Ang lumabas ba article tungkol sa kanya nitong mga nakaraang araw ay tungkol sa umano'y malaking pagbabago sa kanyang itsura na halos hindi na siya makilala ng mga Pinoy.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabila nito ay nagpasalamat na rin si Nancy at dahil sa dami ng nag-follow sa kanya, naisipan niyang sagutin ang anumang katanungan ng kanyang mga followers sa Instagram.

Kabilang sa mga tanong na kanyang sinagot ay ang dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz at kung pinagsisihan niya ba ang kanyang naging desisyon na talikuran ang kanyang showbiz career.

Ibinahagi niya rin ang mga bagay na nami-miss niya sa Pilipinas.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Nancy Jane o mas kilala bilang si Nancy Castiglione ay lumaki sa Canada at nagtapos ng kursong Political Science. Nanganak siya ng kambal na pinangalanang Mateo at Joaquin.

Read also

Basel Manadil, ibinahagi ang CCTV footage ng pagnanakaw sa kanyang restaurant

Taong 2000 nang bumisita si Nancy sa Pinas sa kanyang mga kamag-anak. Ito ang naging daan para makapasok siya sa showbiz. Nadiscover siya ng isang talent scout at naging commercial model.

Kahit matagal na siyang hindi aktibo sa showbiz, marami pa rin sa kanyang mga tagahanga ang umaasang magbabalik-showbiz siyang muli..

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel