Bong Go, nais maging susunod na Presidente ayon kay Pangulong Duterte

Bong Go, nais maging susunod na Presidente ayon kay Pangulong Duterte

- Mismong si Pangulong Rodrigo ang nagpahayag ng nais ni Senator Bong Go na maging susunod na presidente

- Ibinulong umano niya ito sa presidente nang pababa sila sa eroplano at iniwan niya sa pangulo ang pagsasabi ng kanyang binabalak

- Subalit mapapansing ang pagkontra ni Go sa sinabi ng pangulo habang at itinaas pa niya ang kanyang kamay bilang pagtanggi

- Sa araw ding ito ipinahayag ang binabalak ng PDP-Laban na patakbuhin ang pangulo bilang bise presidente sa susunod na eleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umano'y nais ni Senator Bong Go na maging susunod na presidente ng Pilipinas.

Nalaman ng KAMI na ibinunyag it ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa inauguration ng Port Operations Building, Port of Dumaguete sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Sa video na naibahagi ng Inquirer, diretsahang sinabi ng Pangulo ang "ibinulong" umano sa kanya ni Go na naroon din sa seremonya.

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Bong Go, nais maging susunod na presidente ayon kay Pangulong Duterte
Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines capture during a session: Opening Plenary: 50 Years Young at the World Economic Forum on ASEAN in Phnom Penh, Cambodia, May 11, 2017 Photo from Flickr
Source: UGC
“Ito ba si Senator Bong Go, pababa kami sa eroplano, sabi niya, Sir, may hingin sana ako sa iyo na pabor," pahayag ng Pangulo.
"Sabi niya medyo it leaves a bad taste in the mouth pero ikaw na lang ang magsabi sa kanila, sabihin ko, ang totoo. Isang bagay lang, sabihin raw sa inyo, gusto niya maging Presidente," dagdag pa ni Duterte.

Si Go na naroon din sa kaganapan ay napangiti at napailing na lamang sa nasambit ng pangulo at itinaas pa ang kamay na nagpapahiwatig ng pagtanggi.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na nabanggit ng Pangulo ang umano'y pagsabak ni Go sa pagiging presidente ng bansa.

Noong Marso 5, tinawag na ni Duterte na "President" si Go sa isang kaganapan sa Cagayan de Oro

Samantala sa ulat ng GMA News, nasabing sa araw ding ito nabanggit ni Deputy Speaker Eric Martinez PDP-Laban ang pagkumpirma ng mga miyembro ng partido na balak nilang patakbuhin bilang bise presidente si Pangulong Duterte sa 2022 elections.

Read also

Toni Fowler, ipapamigay ang dapat sana'y engagement ring para sa kanya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rodrigo Roa Duterte o mas kilala bilang ‘Digong’ o ‘Rody’ ay ang panglabing anim na presidente ng Pilipinas. At kauna-unahan na galing sa Mindanao. Sa edad niyang 71, siya na ang pinakamatandang naging president ng Pilipinas. Si Digong din ang isa sa may pinakamahabang taon ng serbisyo sa pagiging Mayor ng Davao City na may 7 termino o 22 taon sa serbisyo.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Una nang naging matunog ang pagtakbo ng anak ni Pangulong Duterte na si Sarah Duterte subalit hindi umano niya ito sinasang-ayunan. Sa isa sa kanyang mga naging pahayag, sinabi niyang naaawa siya sa anak na madaanan ang kanyang mga pinagdaanan bilang pinuno ng bansa.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica