Ogie Diaz, naniniwalang tama lang na si Gerald ang umamin sa relasyon nila ni Julia

Ogie Diaz, naniniwalang tama lang na si Gerald ang umamin sa relasyon nila ni Julia

- Matapos ang kanyang pag-amin sa pagiging masaya niya dahil kay Julia Barretto, muling naging usap-usapan si Gerald Anderson

- Sa isang video ng Showbiz Updates nina Ogie Diaz at Mama Loi, nagbahagi ng kanilang opinyon ang dalawa

- Ayon kay Ogie, tama lang na si Gerald ang umamin sa kanilang relasyon dahil siya ang lalaki

- Sa tingin ni Ogie, napapanahon naman ang pag-amin ni Gerald kasabay ng kanyang pagpromote ng kanyang bagong teleserye

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ang pag-amin ni Gerald Anderson, muling umingay ang usap-usapan tungkol sa relasyon nila ni Julia Barretto.

Kaya naman, bilang mga inaabangan sa kanilang showbiz updates, nagbahagi ng kanilang opinyon sina Ogie Diaz at Mama Loi.

Gerald Anderson X Ogie Diaz Gerald Anderson X Ogie Diaz
Gerald Anderson (@andersongeraldjr)
Source: Instagram

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Ogie Diaz, nagbigay ng payo sa mga artista kaugnay sa mga blind item

Ayon kay Ogie, sa tingin niya ay tama lang na si Gerald ang unang umamin tungkol sa kanilang relasyon bilang siya ang lalaki.

Sa tingin din ng showbiz reporter, sasagutin ni Julia ang tungkol sa isyu sa pamamagitan ng kanyang vlog.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Napapanahon na rin umano na aminin nila ang kanilang relasyon lalo at may pino-promote si Gerald na bagong teleserye, ang "Init sa Magdamag."

Ani Ogie, kung siya ang manager ni Bea, papayuhan niya si Bea na huwag nang magsalita tungkol sa isyung ito dahil naka-move on naman na siya at masaya sa kanyang kasalukuyang buahy pag-ibig.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Gerald Anderson ay unang sumikat sa mundo ng showbiz matapos niyang mapabilang sa mga teen housemates ng Pinoy Big Brother kung saan nakasama niya si Kim Chiu. Naging katambal niya sa maraming pelikula si Kim na naging kasintahan niya rin sa totoong buhay.

Read also

Bea Alonzo, na-hot seat sa isang panayam ni Ethel Booba

Gayunpaman, nagkahiwalay sila at na link sa ibang mga aktres si Gerald kagaya nina Maja Salvador, Bea Alonzo at Sarah Geronimo.

Naging usap-usapan kamakailan ang aktor matapos niyang aminin ang tungkol sa kanila ni Julia Barretto na naiintrigang naging dahilan ng paghihiwalay nina Gerald at Bea Alonzo.

Aniya, walang nagganap na pang-go-ghost kagaya ng naunang lumabas. Sadyang kinailangan niya umanong makawala sa isang toxic na relasyon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel