Joaquin Domagoso, nais makawala sa anino ni Mayor Isko Moreno

Joaquin Domagoso, nais makawala sa anino ni Mayor Isko Moreno

- Isa sa mga kasali ng cast nga rom-com na “First Yaya” ay si Joaquin Domagoso

- Ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno ay kasalukuyang pinagsasabay ang pag-aaral at pag-aartista

- Sinabi ni Joaquin na nais niyang makawala sa anino ng ama at magsumikap upang makalikha ng sariling pangalan sa showbiz

- Wala raw pumilit sa kanyang mag-artista dahil dati pa niyang hilig ang pag-arte

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nagsusumikap ngayon si Joaquin Domagoso, ang anak ni Mayor Isko Moreno, na makagawa ng kanyang sariling pangalan sa industriya ng showbiz.

Joaquin Domagoso, nais makawala sa anino ni Mayor Isko Moreno
Joaquin Domagoso (Photo credit: @jdomagoso)
Source: Instagram

Sa virtual group interview para sa bagong rom-com series ng GMA-7 na “First Yaya” ay isa sa mga nagpaunlak ang anak ni Yorme Isko na si Joaquin.

Ayon sa binatang aktor ay alam niyang hindi ito madali, lalo na sa ngayon na marami ang humahanga sa kanyang amang alkalde dahil sa ipinapamalas nitong galing sa pagtataguyod sa siyudad ng Maynila.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

“It will be hard … There will be challenges. But I have accepted that. I will have to deal with them one way or another anyway,” sabi ng batang aktor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon rin kay Joaquin, magde-depende sa kanya kung hanggang saan ang mararating niya sa industriyang kanyang pinasukan.

“At one point, I realized that my father is my father and I’m me,
“How far I can go [in the industry] will be up to me.” aniya.

Ipinaliwanag ng aktor na walang may pumilit sa kanya na pasukin ang pag-a-artista. Matagal na raw niya talagang hilig ang pag-arte. At dahil sa lumaki siya bilang isang bibong bata ay napag-tanto niya na bagay sa kanya ang pagiging artista.

“Papa didn’t tell me to do it—no one did. I’m really hyperactive, so I thought that this would be a good outlet for a person like me; that it’s a job I can do,”

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Sinabi rin niya na bago pa man nanalong alkalde si Mayor Isko ay interesado na umano ang Kapuso network na kunin siyang talent. Dito rin nagsimula ang kanyang ama, kung kaya ay napili niyang maging bahagi ng GMA-7.

Isa lang daw ang hinihingi ng kanyang ama sa kanya, at iyon ay makapagtapos siya ng kolehiyo.

“He always reminds me not to take school for granted. That’s the most important thing for Papa, because that’s something he didn’t get the chance to do when he was younger.” sabi ng aktor.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Joaquin Domagoso ay isang Kapuso actor. Kilala siya bilang anak ni Manila Mayor Isko Moreno. Sa ngayon ay nag-aaral ang binatilyo sa kursong Business Entrepreneurship sa Southville International School.

Read also

Heaven Peralejo nilinaw na wala siyang kinalaman sa hiwalayang Devon at Kiko

Sa naunang ulat ng KAMI ay napag-alaman na nagkasundo na pala sina Mayor Isko at ang dating presidente at alkalde ng Maynila na si Joseph Estrada. Nangyari ito noong magkita sila sa isang kasal.

Ilanga raw na rin ang nakakaraan ay naging laman ng balita si Mayor Isko nang sabihin niyang pinag-iisipan niya kung tatakbo ba siya sa pagka-pangulo sa eleksyon 2022.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel