Sharon Cuneta, ikinuwento kung paano nabayaran ang kanyang utang noong 2020

Sharon Cuneta, ikinuwento kung paano nabayaran ang kanyang utang noong 2020

- Ikinagulat ni Ogie Diaz nang malamang maging si Sharon Cuneta pala ay nagkaroon ng malaking utang

- Kilala si Sharon bilang ilan sa mga artistang nagmula sa mayamang angkan

- Kwento ng Megastar, malaki ang kanyang pasasalamat na nakabenta siya ng real estate properties noong 2019

- Ito ang nakatulong sa kanya na mabayaran ang malaking pagkakautang na ayon sa kanya ay ginamit niya para sa real estate investments

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naibahagi ni Sharon Cuneta ang kanyang pinagdaanan noong 2020 nang mawalan siya ng trabaho sa gitna ng pandemya.

Ayon kay Sharon, puno na sana ang schedule niya ng 2020 dahil balak niya nang magretiro sa showbiz. Inasahan niyang konti na lang ang kanyang gagawing trabaho sa taong 2021.

Gayunpaman, dahil sa pandemya, hindi natuloy ang mga naka-lineup niyang mga projects.

Sharon Cuneta, ikinuwento kung paano nabayaran ang kanyang utang noong 2020
Sharon Cuneta (Photo by Enrique Soriano/Bloomberg)
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Read also

Judy Ann Santos, kinilig sa pagpaparanas ni Ryan Agoncillo ng prom sa kanya

Ayon pa sa kanya, nagkaroon siya ng malaking utang pero nabayaran niya ito dahil sa kanyang nabentang real estate property noong 2019.

Paliwanag pa niya, ang kanyang utang ay itinuturing niyang "good utang" dahil ginamit niya rin ito sa real estate investments.

Ang "bad utang" naman umano ay pagkakautang na kagaya ng dahil sa bisyo at mga kapritso.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Aniya kung hindi siya nakabenta noong 2019, hindi niya alam kung paano babayaran ang kanyang malaking utang.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Isa lamang si Sharon sa mga artistang bukas sa pagbabahagi ng kanyang saloobin at damdamin sa publiko sa pamamagitan ng social media. Nitong mga nakaraang araw ay naging emosyonal si Mega matapos niyang mapanood ang throwback na video ng duet nila ng anak na si KC Concepcion.

Read also

Sharon Cuneta, natangayan ng P500,000 ng isang taong kanyang pinagkatiwalaan

Ipinagluksa niya rin ang pagpanaw ng sikat na designer na si Rocky Gathercole na naging malapit sa kanya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel