Xian Lim at Kim Chiu, pinakilig ang mga fans sa kanilang Valentines date sa Coron

Xian Lim at Kim Chiu, pinakilig ang mga fans sa kanilang Valentines date sa Coron

- Ibinahagi ni Xian Lim ang ikalawang bahagi ng kanyang video sa Coron, Palawan

- Ito ay ang kanilang bakasyon kasama ang kanyang lola, ina at ang kasintahang si Kim Chiu

- Nag-island hopping sila at nag-freediving sa iba't-ibang lagoon na kanilang napuntahan

- Kinakiligan naman ng mga KimXi fans ang pagiging sweet ng dalawa dahil bihirang makita ito maging sa kanilang mga ibinabahagi sa kanilang social media account

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Matapos ibahagi ni Xian ang unang bahagi ng kanilang bakasyon sa Coron, Palawan, marami sa kaniyang mga subscribers ang nag-abang sa pangalawang bahagi kung saan ipinakita ng aktor ang kanilang mga pinasyalan sa mismong Araw ng mga Puso.

Kabilang sa kanilang ginawa ay ang island hopping at freediving. Bukod kay Kim, kasama ni Xian ang ina at ang kanyang lola.

Kim chiu and Xian Lim Kim chiu and Xian Lim Kim chiu and Xian Lim
Kim Chiu (Photo from Flickr)
Source: UGC

Nang makarating sila sa lugar na kailangan ng mahabang lakaran at matarik ang daanan, hindi na pinayagan ang kanyang lola para na rin sa kaligtasan nito.

Read also

Sam Pinto, ipinasilip ang bagong condo nila ni Anthony Semerad

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa huling bahagi ng video, kinakiligan ng mga fans ang simpleng paghalik ni Xian kay Kim sa pisngi nito.

Kabilang sila Kim at Xian sa mga artistang magkarelasyon na hindi masyadong nagpapakita ng kanilang pagiging sweet lalo na sa harap ng camera.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Narito naman ang reaksiyon ng ilan sa mga tagahanga ng dalawa:

Another memorable Valentines day Xi. Galing mo talaga, kasama pa family mo this time. Sobrang saya din nmin kasi alam namin na napasaya mo si Kim.
Truly enjoyed watching your vlog from beginning to end. The KimXi sweetness and the beauty of Kayangan lake above and beyond was captured perfectly in this video. Thanks for sharing Xian.

Read also

Pokwang, namahagi ng pagkain sa mga bata sa 3rd birthday ni Malia O'Brian

Masaya ako sa ginawa mo para kay Kim. Sana tuloy-tuloy at sana maintindihan mo rin ako kung minsan masakit akong magsalita.para sa iyo,sadyang mahal na mahal ko ang chinitaprincess pati na rin ikaw.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Si Kim Chiu ay unang nakilala sa mundo ng showbiz matapos siyang tanghalin bilang big winner sa kauna-unahang Pinoy Big Brother: Teen Edition. Bukod sa kanyang husay sa pag-arte, nagkaroon din siya ng maraming proyekto dahil sa husay niya sa hosting at pagsayaw.

Matatandaang nabatikos ang aktres kaugnay sa kanyang statement sa kasagsagan ng issue ng franchise renewal ng ABS-CBN kung saan nabuo ang kanyang awiting 'Bawal Lumabas.'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel