Bea Alonzo, komportableng makatrabaho si Alden Richards

Bea Alonzo, komportableng makatrabaho si Alden Richards

- Tuloy na ang tambalang Bea Alonzo at Alden Richards para sa isang bagong pelikula

- Ang nasabing proyekto ay ang Philipine movie adaptation ng Japanese drama na “Pure Soul”

- Ibinahagi ni Bea na napi-pressure siya sa role na kanyang gagampanan sa pelikula

- Ngunit ipinagtapat rin niya na komportable naman siyang katrabaho ang Kapuso actor

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumpirmado na ang tambalang Bea Alonzo at Alden Richards sa isang panibagong pelikula, at inamin ni Bea na komportable siyang makatrabaho si Alden.

Bea Alonzo, komportableng makatrabaho si Alden Richards
Bea Alonzo (Photo credit: @beaalonzo)
Source: Instagram

Nitong ika-2 ng Marso, Martes, ay naikasa na ang proyektong pagbibidahan nina Bea at Alden matapos magpirmahan ng kontrata ang Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment.

Ang nasabing proyekto ay ang Pinoy movie adaptation ng “Pure Soul”, ang Japanese drama na pinanggalingan rin nga South Korean film na “A Moment to Remember”.

Read also

Markus Paterson, kinaaliwan dahil sa kanyang reaksiyon nang maihian ni Baby Jude

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam ng “24 Oras” sa Kapamilya actress ay inamin nito na napi-pressure siya sa kanyang role sa pelikula.

“Sa totoo lang, nakaka-pressure. Kanina, coming here I was so anxious sa totoo [lang]. Kinakabahan talaga ako because hindi ko rin naman alam what to expect 'di ba,” sabi ni Bea.

Ngunit ayon rin naman sa New Generation's Movie Queen ay komportable siya kay Alden at kahit sa iba pang makaka-trabaho niya.

“But then right now I feel so comfortable. I feel comfortable with Alden, I feel comfortable with the ones I just met, the bosses of these three big film outfits.”

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Matatandaang sa mga naunang panayam sa Kapuso actor ay hindi nito itinago ang paghanga kay Bea at pangarap nga rin nito na makatrabaho ang aktres.

Read also

Bea Alonzo, pinasilip ang naipundar na farm sa Zambales

“Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz,” sabi ni Alden noon.

Mutual naman pala ang feelings dahil gusto rin naman pala siyang makatrabaho ni Bea.

“Ang hindi niya alam, gusto ko rin talaga siyang makatrabaho kasi I have seen his movie with Kathryn and I thought he did a very good job with the character.
“I wanna be able to have the chance to actually work with him in a project and develop characters with him,” paglalahad ng aktres.

Nagsimula nang mag-attend ng mga workshops ang dalawa ngunit dahil sa pandemic ay baka matagalan pa itong mapanood.

“We will hold out until such time na nag-normalize na 'yung cinema operations kasi 'yung movies meant to be seen sa big screen rather than sa small screen.” paliwanag ni Viva Films CEO Vincent Del Rosario.

Read also

Devon Seron at Kiko Estrada, iniintrigang hiwalay na dahil sa mga post aktres

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Bea Alonzo ay isa sa mga sikat na aktres sa Pilipinas. Ilan sa mga naging box-office hit na pelikula niya ay ang “One More Chance”, “A Second Chance”, at “Love Me Tomorrow”.

Sa isang naunang ulat ng KAMI News ay itinanggi ni Bea na may nilulutong sitcom ang TV-5 para sa kanila ni John Lloyd Cruz.

Ang love team nina Bea at JLC ay walang kupas hanggang ngayon, kung kaya ay marami pa rin ang nag-aabang sa kanilang tambalan. Matatandaang nag-viral noong una ang isang vlog kung saan ay inamin ni Bea na ‘almost lovers’ sila ng aktor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel