Ian Veneracion, napaamin ni Bea Alonzo sa kanyang pagiging seloso

Ian Veneracion, napaamin ni Bea Alonzo sa kanyang pagiging seloso

- Marami ang kinilig sa dinner date nina Ian Veneracion at Bea Alonzo na ibinahagi ng aktres sa kanyang YouTube channel

- Kapansin-pansin din ayon sa maga netizens na komportable sila sa isa't-isa at kaya nilang pag-usapan ang kahit anong bagay naisip nila

- Sa kanilang pag-uusap ay naitanong ni Bea kung seloso si Ian pagdating sa kanyang karelasyon na inamin naman niya

- Naging magkatambal ang dalawa sa teleseryeng 'A Love to Last' kung saan nakasama nila sina Iza Calzado at Julia Barretto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muling pinakilig nina Ian Veneracion at Bea Alonzo ang mga tagahanga ng TonDeng tandem sa kanilang dinner date na ibinahagi ni Bea sa kanyang YouTube channel.

Kahit matagal nang natapos ang teleseryeng A Love to Last, marami pa rin ang kinikilig sa tamabalan nilang dalawa.

Read also

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

Ian Veneracion, napaamin ni Bea Alonzo sa kanyang pagiging seloso
Photo from Bea Alonzo (@beaalonzo)
Source: Instagram

Aminado naman si Bea na hinahangaan niya si Ian lalo na sa pagiging ama nito sa kanyang mga anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Aminado si Ian na seloso siya samantalang hindi naman umano selosa si Bea. Nagkunwari pa siya umano dati na nagseselos siya.

Tinuturing ni Ian na best decision ng buhay niya na nagpakasal siya ng maaga dahil pinakapaborito niyang role ang pagiging tatay.

Samantala, naibahagi ni Bea na hindi niya inasahan na isa siya sa mahuhuling mag-asawa sa mga kaedaran niya. Kasunod nito ay tinanong niya si Ian kung sa tingin nito ay dapat ba siyang magpakasal.

Sagot ni Ian, dapat magkaanak siya pero kahit huwag na siya magpakasal.

Pinaalala ni Ian ang kanilang naging usapan noon na kapag umabot siya ng 33 at wala pa rin siyang anak ay manghihingi sila ng donation mula sa mga lalaking gusto niya yung genes at bubunot siya kung sino ang pipiliin para maging ama ng kanyang magiging anak.

Read also

Lolit Solis, inihayag ang kanyang opinyon sa isyu ni Kristoffer Martin at ng kanyang ex

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.

Samantala, kamakailan ay kinumpirma ng ABS-CBN na hindi na kabilang sa Star Magic si Bea. Naging usap-usapan din kamakailan nang mamataan sina Bea at si John Lloyd na magkasama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel