Lady Gaga’s French bulldogs recovered unharmed at a police station

Lady Gaga’s French bulldogs recovered unharmed at a police station

- Naibalik na ang mga dinukot na aso ni Lady Gaga sa Los Angeles Police District Olympic station

- Isa umanong babae ang nagsauli sa mga aso na nasa maayos na kalagayan

- Nilinaw din ng pulisya na wala umanong kaugnayan sa naganap na pamamaril sa dogwalker ni Lady Gaga ang babaeng naghatid ng mga aso sa police station

- Nag-alok si Lady Gaga ng $500,000 na pabuya sa sinuman ang magsa-sauli ng aso ngunit wala pa umanong pahayag kung makukuha na ito ng babaeng nagdala ng mga aso sa LAPD

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalawang araw matapos ang shooting incident sa dogwalker ni Lady Gaga at pagkuha sa kanyang dalawang French bulldogs, naisauli na ang mga aso sa Los Angeles Police District Olympic station.

Nalaman ng KAMI na isang babae ang nagdala sa mga aso na ligtas at nasa maayos na kondisyon.

Read also

Basel Manadil, binigyan ng permanentent trabaho ang nag-viral na rider

Bandang alas sais ng gabi nang madala sa pulisya ang mga aso at isang kinatawan ni Lady Gaga ang sumundo sa mga ito base sa ulat ng The New York Times.

Lady Gaga’s French bulldogs recovered unharmed at a police station
Photo credit: Lady Gaga
Source: Facebook

Nilinaw din ng LAPD na “uninvolved and unassociated” ang babaeng nagsauli ng mga aso sa pamamaril sa dogwalker na si Ryan Fischer ayon sa ulat ng Variety.

Samantala, sa isang post mismo ng international singer-actress sinabi nitong handa siyang magbigay ng $500,000 na pabuya sa sinoman ang makapagsasauli sa kanya ng kanyang mga alaga na sina Koji and Gustav.

Wala pa sa ngayong pahayag kung agad na bang makukuha ng di nagpakilalang babae na nagsauli ng mga aso ang nasabing malaking halaga bilang pabuya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Nitong Miyerkules, bandang 9:40 ng gabi sa Sierra Bonita Avenue sa Hollywood, naganap ang pamamaril ng dalawang suspek na bumaba mula sa Nissan Altima kay Fischer at dinukot ang mga pinaaalagaang aso ni Lady Gaga ayon sa TMZ.

Read also

OFW na pauwi na sa Marso, pinabaunan ng mamahaling regalo ng amo

Bagaman at nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib si Fischer, nasa stable condition na siya sa ngayon.

Samantala, kasalukuyang nasa Italy ngayon ang singer-actress para sa shooting ng pelikula ng direktor na si Ridley Scott.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Stefani Joanne Angelina Germanotta, ang tunay na pangalan ng American singer, songwriter, at actress na si Lady Gaga. Ilan sa mga pinasikat niyang awitin ang "Paparazzi", "Telephone" at "A million reasons."

Mas laong dumami ang mga tagahanga niya sa pagganap niya bilang si "Ally" sa pelikulang "A Star is Born" kung saan sumikat ang kantang "Shallow" kung saan naka-duet niya ang kanyang leading man sa pelikula na si Bradley Cooper.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel