Ogie Diaz, ibinahaging nagalit noon sa kanya si Coco Martin

Ogie Diaz, ibinahaging nagalit noon sa kanya si Coco Martin

- Hindi ipinagkaila ni Ogie Diaz na may mga artistang nagalit sa kanya noon dahil sa kanyang pagsusulat

- Sa panibagong video na kanilang ibinahagi ay nabanggit ni Ogie na maging si Coco Martin ay nagalit noon sa kanya

- Si Vhong Navarro ay tila umiiwas din umano sa kanya noon dahil sa kanyang mga showbiz news na isinusulat sa kanyang column

- Gayunpaman, nang magkakilala sila ng mas maigi, naging malapit ang mga ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bilang isang showbiz reporter, hindi maiwasang may mga artistang sumama ang loob kay Ogie Diaz noon. Ayon kay Ogie, noong araw, influential ang mga reporter noon kaya kahit may sama ng loob ay hindi sila agad-agad nakakanti.

Mataray daw siya nong araw kaya marami ang artistang may sama ng loob sa kanya. Nagbago lamang ang pananaw niya sa buhay nang magkaanak na siya.

Read also

Alex Gonzaga, namudmod ng pera matapos umabot sa 10 million ang subscribers

Ogie Diaz, ibinahaging nagalit noon sa kanya si Coco Martin
Photo from Ogie Diaz
Source: Instagram

Ayon kay Ogie, nagalit sa kanya noon si Coco Martin dahil sa mga nasulat nito kaugnay sa isyu ni Coco at ng dating aktres na si Katherine Luna.

Gayunpaman, nagkasama sila sa isang teleserye at doon nabigyan sila ng pagkakataon para makapag-usap at magkalinawan.

Kwento pa ni Ogie, sinabi umano ni Coco na dahil sa galit nito sa kanya ay nasabi nitong susuntukin niya ang reporter kapag nakita niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Vhong Navarro ay napansin ni Ogie na tila umiiwas sa kanya nang magkatrabaho sila kaya kinausap niya rin ito at nagkaayos sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback.

Sa kasalukuyan kabilang sina Coco at Vhong sa mga artistang malapit kay Ogie.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

Read also

Ian Veneracion, walang pagsisisi na ikinasal siya nang maaga

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter

Kamakailan ay naging usap-usapan ang pagtanggi ni Ogie na i-endorse ang pelikula ng isang artistang alam niyang nag "yes to ABS-CBN shutdown."

Bilang kilala sa pagiging prangka sa pagbabahagi ng kanyang opinyon, hindi maiwasang makatanggap ng pambabatikos si Ogie. Bumwelta siya sa mga nagsasabing isa siyang "dilawan."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel