John Estrada, inaming mali ang kanyang first impression kay Pauline Mendoza

John Estrada, inaming mali ang kanyang first impression kay Pauline Mendoza

- Ibinunyag ni John Estrada ang first impression niya sa Kapuso actress na si Pauline Mendoza

- Ayon sa kanya ay akala niya may attitude problem ang lead star ng “Babawiin Ko ang Lahat”

- Ngunit nagkamali daw ang aktor at pinuri pa niya ang ugali ng dating “Kambal, Karibal” star

- May qualities daw si Pauline ng isang superstar, lalo na at nakikinig ito sa mga payo sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Inamin ng beteranong aktor na si John Estrada na mali ang kanyang first impression sa dalagang aktres na si Pauline Mendoza.

John Estrada, inaming mali ang kanyang first impression kay Pauline Mendoza

John Estrada (Photo credit: @john_estrada)
Source: Instagram

Si Pauline Mendoza ay ang bida sa seryeng “Babawiin Ko ang Lahat” kung saan kasama rin sa mga cast sina Tanya Garcia-Lapid, John Estrada, Carmina Villarroel, Tanya Gomez, at Gio Alvarez.

Tinanong si John ng press sa isang media conference tunkol sa impression niya sa lead star. Noong una inamin niyang medyo hindi maganda ang first impression niya sa dalaga.

Rhian Ramos, naglabas ng saloobin hinggil sa body shaming comments sa kanya
“Well to tell you honestly, noong mga first taping days namin parang sabi ko, ‘Aba, parang may attitude ‘to.’ But, I was wrong, I was completely wrong!” pag-amin ni John.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero sa katagalan ay nakilala niya ito ng maayos, lalo na noong nagsimula na silang mag-taping sa set. Talagang pinuri pa niya ang ugali ni Pauline na nakikinig daw ito sa mga ipinapayo sa kanya.

“Kung ano sabihin mo sa kanya nakikinig siya, ginagawa niya. Kung meron kang ganung qualities sa sarili mo, eh, qualities ng isang superstar ‘yun.
"So, I wish her all the luck and I think Pauline is on the right track,” paglalahad pa niya.

PAY ATTENTION: Don't miss the hottest Philippine news and celebrity gossip! Follow KAMI.com.ph on Twitter!

Idinagdag din ng aktor ang mga katangiang hinahangaan niya kay Pauline.

Heart Evangelista, naniniwalang hindi nakakaganda ang pagiging selosa
“Ang unang-unang quality na nakita ko sa kanya, sobra niyang sipag. ‘Yung pagka-eager niya, she’s hungry, she’s so motivated,” ani John.
“’Yung iba naman you know wala pa man resulta ‘yung pagbibida nasa utak na nila, but hindi ko nakita kay Pauline ‘yun,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Estrada ay isa sa mga beteranong aktor sa Philippine showbiz industry. Matagal muna siyang nanatili sa bakuran ng ABS-CBN hanggang sa lumipat siya sa GMA-7 noong 2018. Ilan sa mga palabas na kabilang si John ay ang “Palibhasa Lalake”, “Minsang Lang Kita Iibigin”, “Ika-6 na Utos”, at “Kara Mia”.

Sa isang naunang ulat ng KAMI ay ibinunyag ni John na dati na siyang na-scam ng isang kaibigan. Mabuti nalang daw ay nabawi rin niya ‘di kalaunan ang nawalang investment. Naging trending rin si John kamakailan nang bumisita siya kay Willie Revillame at sinabing pauutangin niya ito ng pera.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel