Ellie Eigenmann nag-TikTok kasama ang kanyang dalawang daddy

Ellie Eigenmann nag-TikTok kasama ang kanyang dalawang daddy

- Mahilig mag-post ng mga TikTok videos ang panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie

- Ang mas nakakatuwa ay ang makitang parehas siyang may TikTok videos kasama ang kanyang dalawang daddy na sina Jake Ejercito at Philmar Alipayo

- Si Jake ang biological father ni Ellie, samantalang si Philmar naman ang kanyang step-father

- Halatang close ang bata sa dalawa nitong ama na parehas niyang nakakasama ng regular

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakaaliw na makitang close si Ellie Eigenmann, hindi lang sa kanyang biological dad na si Jake Ejercito, kundi pati na rin sa step-dad nito na si Philmar Alipayo, at makikita ito sa pagsayaw niya ng TikTok kasama ang mga ito.

Ellie Eigenmann nag-TikTok kasama ang kanyang dalawang daddy

Ellie Eigenmann (Photo credit: @ellieeigengirl)
Source: Instagram

Viral ang mga TikTok videos na naka-post sa Instagram account ng panganay ni Andi Eigenmann na si Ellie. Mahilig mag-TikTok ang 9-taong-gulang na batang ito, at minsan ay ito rin ang bonding niya kasama ng kanyang mga kapamilya.

Jelai Andres, nagpanggap bilang taong grasa sa kanyang social experiment

May ilang videos na makikitang kasama niya ang totoong ama na si Jake, at mayroon din siyang TikTok kasama ng papa ng kanyang mga kapatid na sina Lilo at Koa.

Si Ellie ay nasa kustodiya ng kanyang Mommy Andi. Pero palagi pa rin niyang nakakasama ang kanyang Daddy Jake dahil sa co-parenting status ng kanyang mga magulang.

Noong wala pang COVID-19 pandemic ay regular na ‘every other week’ si Ellie sa piling ng pamilya ng kanyang ama. Si Jake ay anak ni dating Pangulong Joseph Estrada.

Nakakasama din ni Jake ang anak sa mga out of town at out of the country na mga biyahe, sa permiso ni Andi.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa ngayon ay engaged na sina Andi at Philmar. Dahil sa pandemic ay posibleng sa isang taon pa bago maganap ang kanilang kasalan, at ito ay gaganapin sa Siargao, kung saan ay naninirahan ang kanilang papalaking pamilya.

Mimiyuuuh, sinorpresa ang mga magulang ng bagong sasakyan

Kakapanganak pa lamang ni Andi sa kanyang pangatlong anak, ang nag-iisa niyang baby boy na si Koa, nitong Enero.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Ellie Eigenmann ay ang panganay at nag-iisang anak ni Andi Eigenmann sa ex-boyfriend niya na si Jake Ejercito. Siya ay apo ng mga beteranong aktor na sina Jaclyn Jose at Mark Gil at ng dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada. Ang tunay niyang pangalan ay Adrianna Gabrielle Eigenmann.

Bago manganak si Andi sa kanilang bunso na si Koa ay nag-post ito ng mga nakaka-touch na mensahe para sa kanyang dalawang panganay na anak. Ayon kay Andi, araw-araw siyang nagpapasalamat para kay Ellie at proud siya na mas nagiging independent na ito. Samantala, tiniyak naman ng celebrity mom na hinding-hindi siya magkukulang ng atensyon para sa pangalawang anak na si Lilo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel