Aiko Melendez, inaming may kagalit na isa sa malapit niyang kaibigan

Aiko Melendez, inaming may kagalit na isa sa malapit niyang kaibigan

- Inamin ni Aiko Melendez na may katampuhan siyang isa sa kanyang malapit na kaibigan na bahagi ng tinatawag na "Power Four"

- Ang Power Four ay kinabibilangan ng malapit na kaibigan ni Aiko na sina Carmina Villaroel, Gelli de Bellen at Candy Pangilinan

- Hindi muna pinangalanan ni Aiko kung sino ang katampuhan ngunit kinalaunan ay inamin niyang okay sila nina Gelli at Carmina

- Sinubukan naman umano ni Candy na magpaliwanag ng kanyang panig ngunit ayaw muna umano ni Aiko na mag-usap sila dahil masyadong masakit sa kanya ang nagawa ng kaibigan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang at diretsahang inamin ni Aiko Melendez na may kagalit siyang isang malapit na kaibigan. Ito ay matapos tanungin ni Ogie Diaz kung may kagalit siyang isa sa Power Four.

Ang Power Four ang tawag sa samahan nina Aiko at malalapit na kaibigan at kumareng sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Carmina Villaroel.

34-anyos na mister, ibinahagi ang mga huling sandali ng 68-anyos na misis

Kwento ni Aiko, sinubukang magpaliwanag at mag-sorry ni Candy sa kanya at sa boyfriend nitong si Mayor Jay Khonghun ngunit dahil sinabi ni Aiko na ayaw niya muna sya makausap, umabot ng halos isang taon ang kanilang naging tampuhan.

Aiko Melendez, inaming may kagalit na isa sa malapit niyang kaibigan

Photo from Aiko Melendez (@aikomelendez)
Source: Instagram

Bilang respeto naman umano sa kaibigan, ayaw nang sabihin ni AIko ang dahilan ng kanyang sama ng loob.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsalita umano si Aiko para matigil na rin ang pag-request ng mga netizens ng collab na kompleto silang apat.

Sinubukan naman umano silang pag-ayusin ng iba pa nilang malalapit na kaibigan ngunit gusto niya daw mabigyan ng leksyon si Candy.

Sana umano ma realize ng kaibigan na nakasakit sya ng isang kaibigan na laging nagtatanggol sa kanya.

Ani Aiko sa pagkaibigan kahit nakainom ka o hindi, hindi dapat nagiging tactless sa pagsasalita.

Vlogger na sina Toni Fowler at Rob Moya, nagkabalikan na

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Aiko ay nagsimula bilang isang child star noong dekada 80 sa ilalim ng Regal Films. Nakilala siya bilang isa sa pinakasikat na leading lady noong dekada 90 kung saan itinambal siya sa mga leading men kagaya nina Richard Gomez, Jomari Yllana at Aga Muhlach.

Naging usap-usapan kamakailan ang pag walkout ni Aiko nang mag-guest siya sa YouTube channel ng kaibigang si Ogie Diaz. Kamakailan ay pinagtanggol ni Aiko si Arnel Ignacio matapos itong bweltahan ni G Tongi kaugnay sa kanyang kontrobersiyal na pahayag laban sa ilang mga artista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel