Ellen Adarna, ibinunyag ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz

Ellen Adarna, ibinunyag ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ni Ellen Adarna ang nakikita niyang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni John Lloyd Cruz. Inamin niyang siya umano ang dahilan ng paghihiwalay nila ng ama ng anak na si Elias Modesto.

Sa isang panayam sa Preview.ph, hindi niya itinanggi ang naging pagkakamali niya.

“Because I had so many issues na hindi pa na-resolve, I was projecting it on him,” aniya.

Ellen Adarna, ibinunyag ang tunay na dahilan ng hiwalayan nila ni John Lloyd Cruz

Photo from Ellen Adarna (@ellen_adarna)
Source: Instagram

Dumanas siya ng depresyon ngunit mas naging maayos umano siya matapos niyang sumailalim sa isang healing program.

Mas naging maayos umano ang pakikitungo niya kay John Lloyd matapos sumailalim sa nasabing healing program.

“Like his approach to me, my relationship changed without asking him to change. So I was just really the problem. How I viewed it, my thinking pattern was the problem.”

Dagdag pa niya, kaya niya sinikap na maging mas maayos ay para sa anak niya dahil kailangan nito ang ama habang siya ay lumalaki.

Luna Agoncillo, nagdiwang ng kanyang ika-5 taong kaarawan

Maayos ang samahan nina Ellen at John Lloyd pagdating sa anak na si Elias.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dumanas umano siya ng depresyon nang manganak siya at nadagdagan pa ito sa pagpanaw ng ama.

“I’m the only girl and I lost an anchor. Me and my dad, we had a weird but good relationship—tough love, but father pa rin.”

“You know, we weren’t compatible, obviously, that’s why we broke up. Of course, any normal breakup hurts. You want things to work," pag-amin ng aktres tungkol sa paghihiwalay nila ng award-winning actor.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naging kontrobersiyal ang relasyon nina Ellen at John Lloyd matapos mapagpasyahan ng aktor na iwan ang kanyang buhay showbiz. Sila ay nabiyayaan ng isang anak na lalaki.

Karen Davila probes Christine Dacera’s friends about accusation against them

Kinumpirma ni Ellen kamakailan na hiwalay na sila ni John Lloyd. Si Ellen Adarna ang panganay na anak na babae ng isang mayamang pamilya sa Cebu na may maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao.

Ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari rin ng isang templo na nasa Cebu bilang parangal sa kanyang yumaong lola. Siya ay isang modelo na nagsimula bilang isang tanyag na internet celebrity at naging isang 'Star Magic' artist mula noong 2013.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel