African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, dinagsa ng tulong

African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, dinagsa ng tulong

- Dahil sa nag-viral ang post ng isang nagmalasakit na netizen, natulungan ang isang African na nasa bansa

- Kapitbahay daw ng netizen ang African kaya naman nakita niya ang paghihirap na dinaranas nito

- Wala na halos makain at wala ring malinis na tubig na maiinom at wala ring kuryente ang madumi at masukal na tinutuluyan nito

- Dinagsa ng tulong ang African na di lamang pagkain ang natanggap kundi cellphone, at mas maayos na matitirahan kung saan makapagpapahinga siya ng maayos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

African na nasa bansa na may kalunos-lunos na kalagayan, nabiyayaan ng tulong
Si Doyere Tiangboh Siriki Coulibaly (Photo from Dianne Chu Guevarra's Facebook)
Source: Facebook

Matapos na mag-viral ang post ng netizen na si Dianne Chu Guevarra, dinagsa na ng tulong ang isang African national na nasa bansa ngunit may kalunos-lunosa na kalagayan.

Nalaman ng KAMI na Oktubre 25 nang maibahagi ni Dianne ang post tungkol sa African na kanila raw kapitbahay.

Read also

Babae na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Napansin daw kasi niyang walang kuryente, walang malinis na tubig na maiinom at nakatira ito sa marumi at magulong bahay na hindi pa naayos.

Kahit ganoon pa man ang kalagayan ng African, maayos naman daw itong makipag-usap at masasabing may mabuting kalooban.

Ibinahagi ni Dianne ang mga larawan ng African na isa raw palang guro na nasa bansa sa loob ng walong taon.

Ilang araw lamang mula nang kumalat ang post ni Dianne, may ilang grupo na ng mga mabubuting kalooban at may kakayanang tumulong ang naghatid ng biyaya sa African na si Doyere Tiangboh Siriki Coulibaly.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Maraming salamat din po sa tulong One Race For Filipino Services. Sir Fiel and Sir Energy para personal na makita ang kalagayan ni kuya don. Lubos din po akong nagpapasalamat kila Sir Sherwin Gonzales at Ma'am Michelle Gonzales sa pagbibigay ng tulong kay kuya," ang ilan sa mga pinasalamatan ni Dianne na naghatid ng tulong kay Doyere.

Bukod kasi sa mga pagkain, nabiyayaan pa ng bagong cellphone si Doyere at higit sa lahat, nailipat siya sa maayos na tirahan na may kuryente, maayos na tubig at maayos na mahihigaan.

Laking pasasalamat naman ng African dahil sa tulong na kanyang natanggap na talagang hindi niya inaasahan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong pandemya, ang tanging magandang nangyayari sa atin ay ang paglitaw ng mga taong handang tumulong sa mga higit na nangangailangan.

Malaking bagay ang social media sa panahon ngayon dahil ito ang nagiging daan upang maabutan ang mga kapos-palad na lalong naghirap dala ng pandemya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica