Misis, pina-Tulfo ang mister na pulis na may relasyon umano kay kapitana

Misis, pina-Tulfo ang mister na pulis na may relasyon umano kay kapitana

- Isang misis ang dumulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil may kalaguyo umano ang asawa niyang pulis

- Aniya, todo deny pa ang pulis at ang kalaguyo nitong barangay kapitana na may relasyon talaga sila

- Subalit, nakita ni misis sa litrato na nabuntis umano ng mister niya si kapitana kahit itinanggi ng mga ito ang relasyon nila

- Kaya naman, desidido si misis na magsampa ng kaso laban sa mister niya dahil sa pangangaliwa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Humingi ng tulong ang misis sa programa ni Raffy Tulfo dahil may relasyon umano ang kanyang asawang pulis at ang barangay chairwoman.

Nalaman ng KAMI na todo deny ang pulis at kapitana sa relasyon nila kahit na nabuntis na ito.

Todo deny pa! Misis, pina-Tulfo ang mister na pulis matapos buntisin si kapitana

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, kasal at may dalawang anak na si Regine Del Rosario at si Police Corporal Jayvee Del Rosario.

OFW na nautusang maghulog ng pera, hindi parin nakakabalik sa kanyang employer

Paliwanag ng pulis, wala umano silang relasyon ni kapitana at doon lang siya naka-assign sa barangay. Sabi naman ni kapitana, hindi niya rin papatulan ang pulis dahil may ka-live in din siya.

Subalit, may mga nakita namang litrato si Regine na tila sweet ang dalawa sa isa’t isa. Bukod pa rito, nabuntis din daw ng pulis si kapitana.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Tumanggi namang magpaliwanag sa programa ang pulis at kapitana. Pero, handa si misis na magsampa ng kaso laban dito at mapanagot ang asawa niya sa pangangaliwa nito.

Alamin ang buong kwento rito:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang programang Raffy Tulfo in Action ay nakilala dahil sa pagtulong nito sa mga taong nagigipit at nais magkaroon ng hustisya. Kasalukuyan ngang may higit 15.6 million subscibers ito sa kanilang YouTube channel.

Raffy Tulfo, magbibigay ng ₱1 million sa lady Grab driver para sa kaso nito laban sa pulis

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang misis din ang nagreklamo kay Idol Raffy matapos umanong gawing kalaguyo ng asawa niya ang mismong hipag nito.

Samantala, naikasal naman ang mag-asawang muntik nang magkahiwalay dahil nagkaroon ng kabit ang lalaki.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel