Lloyd Cadena, nagparamdam daw sa vlog ng ina ayon sa mga netizens

Lloyd Cadena, nagparamdam daw sa vlog ng ina ayon sa mga netizens

- Muli na namang naging laman ng balita ang yumaong Pinoy vlogger na si Lloyd Cafe Cadena dahil sa latest vlog ng kanyang ina na kilala bilang si Mother Kween

- Sa nasabing vlog kasi ni Mother Kween ay sinagot nito ang tanong kung anong mangyayari sa YouTube channel ni Lloyd

- Ngunit mas pumukaw sa marami ang tila pagpaparamdam umano ni Lloyd sa vlog ng kanyang ina

- Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit apat na milyon ang views ng nasabing YouTube video

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Muli na namang naging laman ng balita ang yumaong Pinoy vlogger na si Lloyd Cafe Cadena dahil sa latest vlog ng kanyang ina na kilala bilang si Mother Kween.

Lloyd Cadena, trending dahil sa latest vlog ng kanyang Mother Kween
Photo from Lloyd Cafe Cadena Facebook page
Source: Facebook

Sa nasabing vlog kasi ni Mother Kween o Lorita Cadena noong October 11, ay sinagot nito ang tanong kung anong mangyayari sa YouTube channel ni Lloyd.

Read also

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Yung channel ni Lloyd wala nang magpo-post dun kasi channel niya naman ‘yun at tsaka panuorin niyo na lang yung mga lumang video para hindi naman very lonely. Makikita niyo pa rin siya sa mga lumang video," anito.

Ngunit bukod dito, mas pumukaw sa maraming netizens ang tila pagpaparamdam umano ni Lloyd sa vlog.

Ayon sa mga ito ay tila narinig nila ang boses ni Lloyd. Narinig umano ng mga ito ang mga katagang "Ma" at "Nahihirapan na ko".

Sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit apat na milyon ang views ng nasabing YouTube video.

Trending din si Lloyd ngayong araw sa Twitter dahil dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs. Isa rin itong Author at radio disk jockey.

Read also

Kaso laban sa viral na lady Grab driver, ibinasura ng korte

Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo ito sa COVID-19 ayon sa pahayag ng pamilya nito.

Bago ang kanyang biglaang paglisan ay nagawa pa ngang tumulong ni Lloyd sa ilang estudyante sa kanilang lugar at namahagi ng mga tablets para sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone