Viral na buwis-buhay na paglangoy ng isang teacher sa ilog, usap-usapan
- Umani ng samu't-saring reaksiyon ang nag-viral na guro na buwis-buhay sa pagtawid ng ilog
- Ito ay upang maihatid lamang umano ang mga module na kailangan ng ilang bata para sa kanilang mga pag-aaral
- Ilang litrato kasi ang ngayon ay kumakalat sa social media na nagpapakita ng nasabing guro na nakasakay sa bangka
- Marami sa mga netizens ang hindi natuwa na tila scripted lamang lahat ng pinakitang dedikasyon ng guro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umani ng samu't-saring reaksiyon ang mga litratong lumabas na umano'y behind-the-scenes pictures ng nag-viral na teacher na lumangoy para lamang ihatid ang mga module ng mag-aaral.
Sa mga lumabas na litrato na ibinahagi ng Facebook Page na Batas at Katarungan, makikita ang litrato ng nasabing guro na nakasakay naman umano sa bangka, taliwas sa pinalabas na tumawid siya sa ilog sa pamamagitan ng paglangoy.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Matatandaang naipalabas pa ito sa GMA documentary show na Kapuso Mo Jessica Soho na may pamagat na Teacher kong Swimmer.
Marami ang nadismaya dahil sa mga lumabas na litrato. Hindi man matumbasan ang mga sakripisyo ng mga guro sana naman daw ay hindi na gawin ang ganito para lang mabigyan ng pansin.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, naging hamon hindi lamang sa mga mag-aaral at magulang kundi pati na rin sa mga guro ang pagpapatuloy sa pagtuturo sa mga mag-aaral sa makabagong paraan kagaya na lamang ng Modular Distance Learning (MDL), Online Distance Learning (ODL), at TV/Radio-Based Instruction.
Ilan sa mga naging hamon ay ang pagpaparating ng mga module sa mga liblib na lugar, mahinang internet connection, maling mga learning materials, at marami pang iba.
Sa katunayan, kamakailan ay isang module sa asignaturang Math ang naging viral din dahil wala sa mga pagpipilian ang tamang sagot sa ibinigay na tanong.
Maging ang mang-aawit na si Lea Salonga ay umalma sa mga naglabasang error sa mga module at learning materials na ipinamamahagi sa mga mag-aaral.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh