Estudyanteng naiyak nang mahirapan sa online class, umantig sa puso ng netizens

Estudyanteng naiyak nang mahirapan sa online class, umantig sa puso ng netizens

- Tampok sa social media ngayon ang isang estudyante na tila naiyak dahil nahihirapan na siya sa kanyang online class

- Aminado ang estudyante na nahihirapan siyang intindihin ang nasa learning modules nila

- Tila maraming mga netizens ang naka-relate sa hirap na pinagdadaanan ng estudyante ngayong simula na ang online class

- Pinatupad ng Department of Education ang blended learning o distance learning upang makapag-aral ang mga estudyante habang may pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naging viral sa social media ang isang batang estudyante na tila naiyak na lang dahil nahihirapan na siya sa online class.

Nalaman ng KAMI na aminado ang estudyante na nahihirapan siyang intindihin ang learning module nila at maraming netizens nga ang naka-relate rito.

Estudyanteng naiyak nang mahirapan sa online class, umantig sa puso ng netizens
Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook ng netizen na si Wyona Klein, hindi niya sinasadyang mapagtaasan ng boses ang kapatid niya habang tinuturuan niya ito para sa kanilang online class.

Read also

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Kaya naman, naiyak na lang ang bata dahil talagang nahihirapan itong intindihin ang pinag-aaralan niya.

Agad namang nag-sorry ang ate sa kapatid niya dahil siya mismo ay nahihirapan din sa modules nila.

Maraming mga netizens ang nakarelate sa magkapatid lalo na ngayong simula na ang mga online class. Tignan ang ilang komento nila rito:

“binasa ko lang naman yung caption eh bat naiyak ako bigla. Kaya mo yan, tiwala,sipag at tiyaga lang.
“Bigla nalang tumulo luha ko, IFY lagi ko nasisigawan dalawa kong kapatid kasi mahirap talaga intindihin modules nila nahihirapan sila tapos stressed din ako sa sarili Kong modules”
“Hindi din kasi biro magturo tapos hndi lang isa estudyante. Tapos may mga sagutan pa na walang pagbabasehan ng sagot kasi ang iba inaral na daw last year. Hindi naman basta matatandaan ng lahat un.
“Pogi nman ni kuya, wag kana mag cry, kaya mo yan kuya. Godbless.”

Read also

Estudyanteng nasa online class habang nagtitinda sa lansangan, umantig sa mga netizens

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa, pinatupad ng Department of Education ang distance learning upang matuloy ang pag-aaral ng mga bata.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, nag-viral din ang isang estudyante nang maiyak siya sa harap ng laptop dahil nahihirapan na ito sa online class nila.

Samantala, isang estudyante naman ang pumupunta pa sa sementeryo para mag-online class sa puntod ng lola niya dahil dito lang malakas ang signal sa lugar nila.

Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)