Ang sakit! OFW, nadiskubreng nabuntis ng kapatid ang kanyang misis

Ang sakit! OFW, nadiskubreng nabuntis ng kapatid ang kanyang misis

- Doble ang sakit na naramdaman ng OFW na si Bhagz Salazar matapos niyang madiskubreng nabuntis ng ibang lalaki ang kanyang misis

- Ang lalaking tinukoy nito na siyang ama ng dinadala ni misis ay ang mismong kapatid pa nito

- Depensa naman ni misis, nagawa lamang niya ito dahil sa pagka-miserableng naramdaman dulot ni mister

- Ngunit sa kabila nito ay desidido pa rin ang OFW na ipakulong ang kanyang asawa, maging ang kanyang kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Doble ang sakit na nadarama ng overseas Filipino worker (OFW) sa Taiwan na si Bhagz Salazar, matapos nitong madiskubre na nabuntis ng ibang lalaki ang kanyang misis na nasa Pinas.

Idinulog ni Bhagz ang kanyang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo kamakailan at inireklamo ang asawa na si Aprilyn Salazar.

Ang sakit! OFW, nadiskubreng nabuntis ng kapatid ang kanyang misis

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

At ang lalaking tinukoy nito na siyang ama ng dinadala ng kanyang asawa ay walang iba kundi ang kanyang kapatid na si Jefsie Salazar.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Ayon kay Bhagz ay umamin na raw ang kanyang kapatid sa nagawang kasalanan.

Maging ang asawa nito na si Aprilyn ay umamin na rin sa kanya.

Dagdag pa ni Bhagz, sobra siyang nasaktan sa nagawa ng kapatid sa kanya matapos niyang suportahan ito at maging ang pamilya nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Depensa naman ni Aprilyn, nagawa lamang niya iyon dahil na rin sa miserableng buhay umano nito dulot ng pakikisama kay Bhagz.

Giit pa nito, si Bhagz ang naunang magloko sa kanilang dalawa at bukod pa rito ay inireklamo rin nito ang pananakit sa kanya ng asawa.

At tanging si Jefsie raw ang siyang umalalay sa kanila ng mga anak noong may pagkukulang umano ang mister.

Mariin namang itinanggi ni Bhagz ang mga paratang sa kanya ni Aprilyn.

Desidido rin ang OFW na kasuhan ang misis at maging ang kanyang kapatid.

Legit, bistado at nakunan pa ng video si mister at kabit na magkasama

Nangako naman ng tulong si idol Raffy para makapagsampa ng kaso si Bhagz sa dalawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW ang lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel