Isang estudyante, araw-araw pumupunta sa puntod ng lola niya para sa online class

Isang estudyante, araw-araw pumupunta sa puntod ng lola niya para sa online class

- Isang honor student ang nagpapakahirap pumunta sa sementeryo para sa kanyang online class

- Dahil walang signal sa bahay nila, napilitang mag-online class ang estudyante sa puntod ng lola niya

- Kasama naman ng estudyante ang tito niya na nakatira lang malapit sa sementeryo kaya may nagbabantay sa kanya

- Araw-araw gumigising ng 5:30 ang estudyante upang makapaghanda sa kanyang online class

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tampok sa social media ngayon ang isang college student na sa sementeryo nag-o-online class.

Nalaman ng KAMI na walang Internet connection sa bahay ng estudyante kaya naman naisipan nitong sa sementeryo na lang mag-online class.

Isang estudyante, araw-araw pumupunta sa puntod ng lola niya para sa online class
Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng Bayan Mo, Ipatrol Mo, araw-araw maagang gumigising para sa klase si Jonica Eugenio, isang 1st year college student sa Nueva Ecija.

Read also

Magkapatid na nag-aayos ng internet para sa online class, nakuryente at namatay

5:30 pa lang daw ng umaga ay naghahanda na ito para pumunta sa sementeryo kung saan may malakas na signal.

Sa post ng ABS-CBN News, kinuwento ng nanay ni Jonica na naiinggit nga raw ang anak niya sa ibang mga kaklase nitong nasa bahay lang kapag may online class. Subalit kahit mahirap ang pinagdadaanan, consistent honor student naman daw si Jonica.

Base sa post ng Philippine Star, ibinahagi ng tito ni Jonica na si James na noong una ay natatakot daw ang bata na mag-aral sa puntod ng lola nila pero nasanay din daw ito.

Katabi lang daw ng bahay nila James ang sementeryo kaya naman nasasamahan niya si Jonica kapag may online class siya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may pandemya pa rin sa bansa, pinatupad ng Department of Education ang blended learning upang maipagpatuloy ng mga estudyante ang pag-aaral nila.

Read also

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang lola ang naging viral sa social media matapos niyang mag-substitute sa apo niya dahil kailangan daw nitong pumunta sa CR.

Naging viral din ang larawan ng isang estudyanteng naiyak sa harap ng laptop niya dahil sa online class.

Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)

Hot: