Anak na "with high honors", inialay ang tagumpay sa amang magsasaka
- Viral ang post ng isang anak na buong pagmamalaking pinasalamatan ang ama sa kanyang pagtatapos
- Isang magsasaka ang kanyang ama na todo kayod masuportahan lamang ang kanyang edukasyon
- Mapapansin namang nasusuklian naman ng anak ang mga sakripisyo ng ama dahil sa honor student naman ito
- Kasalukuyan na rin itong nasa first year sa kolehiyo sa kursong Accountancy
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Umantig sa puso ng maraming netizens ang post ng isang anak na super proud sa kanyang ama na siyang naging dahilan kung bakit siya nakapagtapos ng senior high school.
Nalaman ng KAMI na isang magasasaka ang ama ni Ela Sullano na siyang sumusuporta sa kanyang pag-aaral.
"Nakapagtapos ako dahil sa dugo't pawis ng aking ama," pagmamalaki ni Ela sa kanyang tatay.
Mapapansin namang hindi binigo ni Ela ang masipag niyang tatay dahil sa dami ng medalya na kanyang natanggap dahil sa husay na ipinamalas niya sa kanyang pag-aaral.
Ang ama naman niya ay hawak ang mga sertipiko na nagpapakita na "with high honors" ang nakamit ni Ela dahil sa taas ng kanyang marka.
Kitang-kita sa larawan kung gaaano kasaya ang mag-ama sa tagumpay na nakamit ni Ela.
May hashtag pa na #ProudDaughterOfAFarmer ang post ni Ela bilang pagpupugay sa kasipagan ng ama upang maitaguyod lang ang kanyang pag-aaral.
Sa ngayon, first year accountancy student na si Ela at umaasa ang marami na makakatapos din ito ng kolehiyo at magtatagumpay sa propesyong kanyang napili.
Umabot na sa 179,000 ang mga positibong reaksyon ng post ni Ela at naibahagi na rin ng nasa 43,000 na beses ang nakaka-inspire nilang kwento.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
"Nakakatuwa ka iha, talagang mawawala ang pagod ng tatay mo dahil sa nasuklian mo rin naman ang kanyang mga paghihirap"
"Magsilbing inspirasyon ka nawa sa ibang mga kabataang pinagsusumikapan ng kanilang mga magulang mapag-aral"
"Super proud din sayo papa mo kasi mahusay kang mag-aaral. Ipagpatuloy mo lang yan"
"Congratulations sa inyo, pagbutihin mo pa ang pag-aaral para sa inyong pamilya"
"Pagpapalain ka ng Diyos dahil isa kang mabuting bata, hindi mo sinasayang ang hirap ng iyong mga magulang"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa pagsisimula ng klase ngayong panuruang taon 2020-2021, isang matinding hamon ang kinakaharap ng ating mga mag-aaral dahil sa new normal ng edukasyon.
Tulad ng ama ni Ela, maraming mga magulang ang pilit na iginagapang ang pag-aaral ng kanilang mga anak na karamihan ngayon ay naka-online class na.
Ayaw nilang mapag-iwanan ang kanilang mga anak kaya naman gaano man kahirap ang sitwasyon ngayon dahil sa pandemya, ibinubuhos pa rin nila ang buong suporta nila mapag-aral lamang ang kanilang mga anak.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh