Mga teacher, umakyat sa bubong kahit tirik ang araw para makasagap ng signal

Mga teacher, umakyat sa bubong kahit tirik ang araw para makasagap ng signal

- Tampok sa social media ngayon ang mga guro na umakyat sa bubong ng isang paaralan sa Batangas

- Kaya raw umakyat ng bubong ang mga ito kahit tirik ang araw ay para sumagap ng signal

- Paliwanag ng principal, mahina raw talaga ang signal sa paaralan nila dahil nasa liblib na lugar ito

- Ngayong may pandemya sa bansa, nasa 22 million na public school students ang sasabak sa distance learning

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang mga guro na umakyat sa bubong kahit na tirik ang araw para lang makasagap ng signal.

Nalaman ng KAMI na talagang mahina ang signal sa loob ng paaralan dahil nasa liblib na lugar umano ito.

Mga teacher, umakyat ng bubong kahit tirik ang araw para makasagap ng signal
Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ng Move.PH, ang mga guro sa Sto. Nino National High School sa Batangas City ay gumawa ng paraan upang makapagturo pa rin sa kanilang mga estudyante ngayong “new normal.”

Read also

Lolong naghahanapbuhay sa lansangan sa gitna ng pandemya, umantig sa puso ng netizens

Ngayong balik-eskwela na, kanya-kanyang diskarte ang mga paaralan at mga guro upang makapagturo sa kanilang mga estudyante.

Sa Facebook post naman ng GMA News, humanga naman ang principal ng paaralan na si Eleneth Escalona sa mga guro dahil talagang humahanap ng paraan ang mga ito upang matugunan ang tungkulin nila.

Sa ulat ng ABS-CBN News, nasa 22 million na public school students ang sasabak sa distance learning ngayong may pandemya sa bansa.

Patuloy naman ang Department of Education sa pagmo-monitor ng blended learning na pinatupad dahil sa banta ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ngayong may COVID-19 sa bansa, patuloy pa rin sa pag-aaral ang mga estudyante at pinatupad nga ng DepEd ang blended learning.

Kamakailan lang ay nag-viral ang isang guro na lumangoy sa ilog at tumawid sa sapa upang mahatid lang ang learning modules sa mga estudyante niya.

Read also

Guro, nilangoy ang hanggang leeg na ilog para mahatid ang module sa mga estudyante

Isang guro rin sa Lanao del Norte ang sumuong sa ilog para lang madala ang reading materials sa mga mag-aaral.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Kurt Yap avatar

Kurt Yap (Editor)

Hot: