Ogie Diaz, inaming na-in love kina Romnick Sarmenta at Michael Locsin noon

Ogie Diaz, inaming na-in love kina Romnick Sarmenta at Michael Locsin noon

- Sa isang vlog, umamin si Ogie Diaz na na-in love siya sa dalawang aktor noong ‘80s

- Aniya, minahal at todo effort siya sa mga "That’s Entertainment" stars na sina Romnick Sarmenta at Michael Locsin

- Paliwanag niya, walang nangyari sa kanila ng mga ito pero nagbunga ang mga ito sa magandang pagkakaibigan

- Kahit na may pamilya na raw siya ay nag-date pa sila ni Michael Locsin kasama pa ang asawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagkaroon ng rebelasyon si Ogie Diaz tungkol sa kanyang nakaraan sa showbiz industry.

Nalaman ng KAMI na na-in love si Ogie sa dalawang aktor dati na nasa That’s Entertainment.

Ogie Diaz, inaming na-in love kay Romnick Sarmenta at Michael Locsin noon

Photo from Flickr
Source: UGC

Ayon sa YouTube video ng 'Ogie Diaz Showbiz Update', inamin ng talent manager na todo effort siya noon para kay Romnick Sarmenta at Michael Locsin.

Willie Revillame, ‘di na umaalis ng Wil Tower para sa kanyang programa

“Na-in love ako kay Romnick Sarmenta at saka kay Michael Locsin. Sila yung mga members ng That's Entertainment. Tuesday group si Michael Locsin at si Romnick naman ay Wednesday edition,” aniya.

Kwento pa ni Ogie, pinupuntahan niya pa raw si Michael at Romnick sa mga bahay nila noon. Subalit, nilinaw naman niya na walang namagitan sa kanila ng mga aktor na ito pero nauwi ito sa magandang pagkakaibigan.

Dagdag niya pa, kahit may pamilya na siya may isang pagkakataon na nag-date sila ni Michael kasama ang asawa nito.

Aminado si Ogie na minahal niya si Romnick at Michael noon. Aniya, hindi naman daw manhid ang mga ito para hindi maramdaman ito.

“Pero siyempre, walang nangyari. Siyempre, hinahangad yon ng bawat bading, di ba? Pero walang nangyari. It's all friendship. Yon lang yon,” dagdag niya pa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mga tauhan sa restaurant ni Shamcey Supsup, dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Si Ogie Diaz ay isang sikat na komedyante, talent manager, at aktor sa Pilipinas. Mayroon siyang limang anak sa asawa niyang si Georgette del Rosario.

Kamakailan lang, pinayuhan ni Ogie si Jay Sonza at naging prangka ito sa kanyang opinyon matapos ikalat ni Jay na buntis daw si Julia Barretto na madiin namang itinanggi ng aktres.

Naglabas din ng opinyon si Ogie matapos mag-abstain ng aktor at congressman na si Alfred Vargas sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel