Mister na idinahilang may COVID-19 kaya 'di makauwi, sumama na pala sa kabit

Mister na idinahilang may COVID-19 kaya 'di makauwi, sumama na pala sa kabit

- Isang mister ang tahasang ginamit ang virus para lamang makaalis sa poder ng misis

- Tinakot pa umano niya ito na dahil sa mayroon siyang virus, nais na niyang kitilin ang sariling buhay at bigla na lamang ibinaba ang telepono

- Agad na naipagbigay alam ng misis ang huling tawag ng mister sa kanya sa pulisya

- Wala nga sa kanilang lugar ang lalaki ngunit sa patuloy na paghahanap sa kanya, napag-alamang sumama na pala ito sa ibang babae at nagpalit na rin siya ng pagkakakilanlan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mister na idinahilang may COVID-19 kaya 'di makauwi, sumama na pala sa kabit

Photo (from Pikist)
Source: UGC

Isang mister sa Maharastra, India ang nagawang idahilan ang COVID-19 sa di niya pag-uwi sa kanyang pamilya.

Nalaman ng KAMI na tumawag umano ang 28-anyos sa misis upang ipagbigay alam na siya ay tinamaan ng virus.

Ayon pa sa The Filipino Times, nasabi pa ng lalaki na dahil sa kanyang kalagayan, nais na lamang niyang kitilin ang sarili na labis namang ikinabahala ng kanyang misis.

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

Matapos pa itong sabihin ng mister ay agad nitong ibinababa ang telepono at hindi na siya muling matawagan.

Sa labis na pag-aaalala, agad na nai-repost ng misis ang 'huling tawag' na ito ng kanyang mister sa pulisya upang malaman na rin ang kinaroroonan nito base sa ulat ng Yahoo News.

Nakadagdag pa umano sa misteryo ng pagkawala ng lalaki ang naiwan nitong bike, susi, helmet at maging wallet na naiwan sa isang di mataong lugar na nakita umano ng kanyang bayaw.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nakipagtulungan agad ang pulisya na agad na pinuntahan ang mga testing facilities sa kanilang lugar.

Sa masusing pag-iimbestiga, natukoy ng mga pulis ang kinaroroonan nito na nasa ibang lungsod na pala.

Ayon pa sa NDTV, nagawa pa ng lalaki na magpalit ng pagkakakilanlan na animo'y ibang tao na nga siya.

DepEd, umalma sa mga malisyosong pangalan na nagamit sa isang learning module

Ang malala pa rito, kasama na pala ng mister ang bago nitong kinakasama.

Naibalik ang lalaki sa kanilang tahanan ay muling kasama na ito ng kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa bansa, kahit humaharap tayo sa pandemya, may ilang mga nakagagawa pa rin ng panloloko sa kanilang mga asawa tulad na lamang ng isang misis na nais palayasin ang mister dahil sa patuloy na pangangaliwa nito.

Mayroon namang matapos iwan ng kanyang mister dahil sa siya ay nagkasakit, nagawa pa rin siyang kupkupin ng sariling ama.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel