Rest in peace: Korean actress Oh In-Hye, pumanaw na sa edad na 36

Rest in peace: Korean actress Oh In-Hye, pumanaw na sa edad na 36

- Ang South Korean actress na si Oh In-Hye ay pumanaw ngayong araw, September 15, sa edad na 36

- Natagpuan siya ng isang kakilala na walang malay sa kanyang bahay sa Songdo noong September 14 matapos itong atakihin sa puso

- Dinala sa malapit na ospital si In-Hye ngunit hindi na ito gumising at tuluyan nang pumanaw

- Sinabi ng isang police spokesperson na maaari raw sinubukan ni In-hye magpakamatay kaya siya inatake sa puso ngunit wala pang sapat na ebidensya ukol dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"The Classified File" VIP Screening

SEOUL, SOUTH KOREA - JUNE 16: South Korean actress Oh In-Hye attends "The Classified File" VIP screening at COEX Mega Box on June 16, 2015 in Seoul, South Korea. (Photo by Han Myung-Gu/WireImage)
Source: Getty Images

Si Oh In-hye, isang aktres sa South Korea, ay pumanaw ngayong araw, September 15, sa edad na 36.

Ayon sa report ng Rappler, sa isang ospital sa Incheon binawian ng buhay ang aktres.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa naunang report ni Donna Song para sa Korea Herald, natagpuan ng isang kakilala si In-hye na walang malay sa kanyang bahay sa Songdo noong September 14 matapos itong atakihin sa puso.

Dinala sa malapit na ospital si In-Hye ngunit hindi na ito gumising at tuluyan nang pumanaw. Iniulat naman ng AllKPop na sinabi raw ng isang police spokesperson na maaari raw sinubukan ni In-hye magpakamatay kaya siya inatake sa puso ngunit wala pang sapat na ebidensya ukol dito.

Sa Inha University Hospital isasagawa ang funeral ng aktres, ayon sa report ng CNA Lifestyle.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Oh In-Hye ay isang kilalang aktres sa South Korea. Ang ilan sa kanyang mga pelikula ay Sin of a Family (2011), Red Vacance Black Wedding (2011), A Journey With Korean Masters (2011), and The Plan (2014).

Noon lamang nakaraang taon, nabulabog ang South Korea sa pag-panaw ng aktres at K-Pop star na si Sulli. Base sa imbestigasyon, kinitil ng aktres ang kanyang buhay.

Kamakailan din ay pumanaw ang aktor na si Cha In Ha sa edad na 27. Hindi na inilabas ng awtoridad ang dahilan ng maagang pag-panaw ng nasabing aktor.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel