Friends ni Lloyd Cadena, may nakakaiyak na tribute sa yumaong vlogger

Friends ni Lloyd Cadena, may nakakaiyak na tribute sa yumaong vlogger

- Puno ng pasasalamat at pangungulila ang tribute video para sa yumaong si Lloyd Cafe Cadena

- Isang video ang alay ng mga nagmamahal kay Lloyd sa isang YouTube video mula sa BNT Production

- Sa naturang video ay ibinahagi ng mga malalapit na kaibigan kung paano sila tinulungan ni Lloyd

- Maging ang mga natizens ay nagpahayag din ng pagluluksa at pagkalungkot sa biglaang pagpanaw ng mabait na vlogger

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Puno ng pasasalamat at pangungulila ang tribute video para sa yumaong YouTuber na si Lloyd Cafe Cadena.

Isang video na alay ng mga nagmamahal dito ang ibinahagi ng mga malalapit na kaibigan nito.

Sa YouTube video mula sa channel ng BNT Production, ipinakita ang ilan sa mga masasayang panahong kasama nila si Lloyd.

Friends ni Lloyd Cadena, may nakakaiyak na tribute sa yumaong vlogger

Photo from BNT Instagram
Source: Instagram

Bukod dito ay ibinahagi rin ng grupo kung paano nagbago ang kanilang buhay dahil sa gabay at tulong nito sa kanila.

Maging ang ilang kapitbahay na nakakakilala sa yumaong vlogger ay ikwinento rin ang pagiging matulungin ni Lloyd.

Ayon sa mga ito ay hindi kailanman naging madamot at kinalimutan ni Lloyd ang mga taong naging bahagi na ng kanyang buhay.

Maging ang mga netizens ay nagpahayag din ng pagluluksa at pagkalungkot sa biglaang pagpanaw ng isa sa mga pioneer sa vlogging sa bansa.

"Im missing him a lot.. It will never be the same without him... The Heart of BNT fly high butterfly."
"Kween LC is part of everyones life. He was our virtual bestfriend."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"The fact that Kween Lloyd Cadena will always be my happy pill whenever I'm depress :')))) No Pain na Kween Lloyd."
"I miss you Queen LC! My heart is crying for weeks now. You are an inspiration. Thank you for the laughter you provided. All the way from Cali...We love ya! -Ate Marj."
"YouTube without Kween will never be the same."
"RIP Kween LC you will always be remembered through the things that you've done we will miss you."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs.

Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo ito sa COVID-19 ayon sa pahayag ng pamilya nito.

Bago ang kanyang biglaang paglisan ay nagawa pa ngang tumulong ni Lloyd sa ilang estudyante sa kanilang lugar at namahagi ng mga tablets para sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel