BNT members, ibinahagi kung paano maging kaibigan si Lloyd Cadena

BNT members, ibinahagi kung paano maging kaibigan si Lloyd Cadena

- Nagluluksa pa rin ang maraming Pinoy sa biglaang pagkamatay ng isa sa mga pioneer sa YouTube vlogging sa bansa na si Lloyd Cafe Cadena

- Kabilang na rito ang mga malalapit na kaibigan ng yumaong vlogger na BNT o "Bakla Ng Taon"

- Labis na nagluluksa ang mga ito sa pagkamatay ng kanilang kuya Lloyd at ibinahagi rin kung paano ito naging kaibigan sa kanila

- Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo rin ito sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see

Mahigit isang linggo na ang nakararaan ngunit marami pa rin ang hindi makapaniwala sa biglaang pagpanaw ng Pinoy vlogger na si Lloyd Cafe Cadena.

Marami pa rin ang nagluluksa at nalulungkot sa pangyayaring ito kay Lloyd.

Kabilang na nga rito ang malalapit na kaibigan nito na BNT o "Bakla Ng Taon", ang grupong madalas nating makita sa mga vlogs ng yumaong vlogger.

Read also

Toni Fowler, umiiyak na dumulog sa programa ni Raffy Tulfo

BNT members, ibinahagi kung paano maging kaibigan si Lloyd Cadena
Photo from BNT Production Instagram account
Source: Instagram

Labis na nagluluksa ang mga ito sa pagkawala ng kanilang kuya Lloyd na nagsilbing gabay para sa kanila sa mahabang panahon.

Sa kanilang Instagram posts, ibinahagi ng ilan sa kanila kung paano naging isang kaibigan si Lloyd sa kanilang lahat.

Sa isang post, ibinahagi ni BNT Jeco ang luma nilang conversation ni Lloyd. Dito makikita kung paano ito mag-alala at handang dumamay sa kaibigan.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay BNT Jeco, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw nagsi-sink in sa kanila na wala na si Lloyd.

Para naman kay BNT GM, hindi naging madamot sa kanila si Lloyd at tinulungan sila nito na abutin ang kanilang pangarap.

Anito, naging daan din si Lloyd para makatulong sila sa kani-kanilang mga pamilya.

Ikalawang ina naman kung ituring ni BNT Limuel si Lloyd na kahit kailan daw ay handang gumabay at tumulong sa kanila.

Read also

Ed Caluag at Ana Dela Cruz, tugma ang mga nakitang kababalaghan sa opisina ni Tulfo

Ibinahagi naman ni BNT Bebang ang larawan nila ni Lloyd noong siya ay nakapagtapos kung saan ito pa ang mismong nagsabit ng medalya sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakilala si Lloyd Cafe Cadena sa mundo ng YouTube dahil sa kanyang mga nakakatuwa at nakakaaliw na vlogs.

Pumanaw si Lloyd noong September 4, 2020 sa edad na 26 dahil sa cardiac arrest. Bago nito ay nag-positibo ito sa COVID-19 ayon sa pahayag ng pamilya nito.

Bago ang kanyang biglaang paglisan ay nagawa pa ngang tumulong ni Lloyd sa ilang estudyante sa kanilang lugar at namahagi ng mga tablets para sa online class.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Annie Symone avatar

Annie Symone