DNA result nina John Regala at nagsasabing anak niya, lumabas na negatibo

DNA result nina John Regala at nagsasabing anak niya, lumabas na negatibo

- Lumabas na ang resulta ng DNA test na isinagawa sa aktor na si John Regala at ang nagsasabing anak na si John Paul Santos

- Minsan nang itinanggi ng dating action star na hindi niya anak si Santos ngunit nang muli siyang makapanayam ni Raffy Tulfo, tila 50/50 na raw siya

- Maging ang mga netizens ay umaasa na positibo ang resulta ng DNA ng dalawang John dahil sa malaki raw ang pagkakahawig ng dalawa

- Hindi naiwasang maluha ni Santos nang sinambit na ni Tulfo ang resulta na makapagkukumpirma kung anak nga ba ito ni John Regala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sinasabing anak ni John Regala, naluha nang lumabas ang kanilang DNA result

Raffy Tulfo (Photo from Instagram)
Source: Instagram

Matapos ang ilang linggong paghihintay, lumabas na sa programa ni Raffy Tulfo ang resulta ng DNA test na isinagawa sa dating action star na si John Regala at sa sinasabing anak daw nitong si John Santos.

Nalaman ng KAMI na sa programa rin ni Tulfo unang dumulog si Santos at sinasabing ama niya ang aktor.

Noon pa man ay mariing itinatanggi ito ni Regala dahil sa hindi raw siya nawawalay noon sa piling ng ina niyang asawa.

Kwento kasi ni Santos, nagkakilala ang aktor at ang kanyang ina sa Japan kung saan daw siya nabuo.

Ngayong muling ipinatawag ng programa ang dalawa upang tuluyan nang matuldukan ang agam-agam ni Santos sa pagkatao niya, nasabi naman ni Regala na 50/50 na siya at maaring anak nga niya ito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon pa sa nagpapagaling pa rin na aktor, sakaling anak man niya si Santos, hindi raw niya mahintay ang pagkakataong mayakap ito.

Maging ang mga netizens ay malakas daw ang kutob na anak nga ni Regala si Santos dahil sa laki ng pagkakahawig nila.

Subalit sa kasamaang palad, 'negative' ang resulta ng DNA test na isinagawa sa kanila.

Hindi naiwasang maluha ni Santos, at na-disappoint naman ang aktor dahil kahit na paano'y umasa rin siyang anak niya nga ito.

Gayunpaman, handa naman daw si Regala na panindigan ang pagiging ama kay Santos lalo na at matagal ding panahon na nakintal sa isipan nitong ang aktor nga ang kanyang ama.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay muling umugong ang pangalan ng dating action star na si John Regala matapos na humingi ito ng tulong dahil sa iniinda nitong karamdaman.

Nasangkot din umano ito sa kontrobersiya na kinabibilangan ng mga taong tumulong sa kanya ngunit naayos din ito sa tulong muli ng programa ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel