Ruffa Gutierrez, kinagiliwan ng netizens sa paglalaro nito ng 'giant jackstone'

Ruffa Gutierrez, kinagiliwan ng netizens sa paglalaro nito ng 'giant jackstone'

- Nag-viral ang video ni Ruffa Gutierrez nang maglaro siya ng 'giant jackstone' sa programang 'Mars'

- Tinanong pa siya ni Wilma Doesnt kung nakapaglaro na ba siya ng jackstone at sumagot naman ito ng 'parang'

- Bago pa magsimula ang laro, natuwa na ang mga netizens kay Ruffa dahil nalito na agad ito sa 'maalis-taya' pa lamang

- Tinuruan na lamang siya ni Cammille Prats at game na game pa rin si Ruffa kahit ilang beses na siyang na-correct ng mga kasama

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ruffa Gutierrez, kinagiliwan ng netizens sa paglalaro nito ng 'giant jackstone'

Ruffa Gutierrez (Photo from iloveruffag Instagram)
Source: Instagram

Isang masayang kulitan ang kinagiliwan ng mga netizens sa progrmang 'Mars' kung saan naglaro sina Ruffa Gutierrez, Wilma Doesnt, at Cammile Prats ng giant jackstone game.

Pareho pa rin naman ang mechanics ng laro ngunit malaking bola at malalaking jackstones ang ginamit nila.

Sa video na ibinahagi ng netizen na si Ark Aguas, makikitang game na game naman si Ruffa sa laro.

Nalaman ng KAMI na tinanong pa umano ito ni Wilma Doesnt kung nakapaglaro na ito ng jackstone. Sumagot naman ito ng 'parang' at tila di tiyak kung nakapaglaro na nga ba siya.

Nang magsimula ang laro, tawang-tawa na agad sina Wilma at Cammile kay Ruffa nang gawin nila ang 'maalis-taya' para malaman kung sino ang unang maglalaro.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ginawa kasing 'bato-bato pik' ang ginawa ni Ruffa kaya tinuruan muna siya nina Wilma at Cammille.

At nang si Ruffa nga ang mauna sa giant jackstone, tuwang-tuwa na naman ang kanyang mga kasama dahil sa hindi niya ito nagawa ng tama.

Gayunpaman, game na game pa rin si Ruffa at inulit ang laro.

Maging ang netizens ay aliw na aliw kaya naman umabot na sa 48,000 ang reactions nito habang 5,000 naman ang mga komento.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, kamakailan ay nag-viral din ang TikTok video ng anak ni Ruffa na si Lorin kung saan naroon din siya.

Hindi napigilan ni Ruffa na sawayin ang anak nang makita ang mga galawan nito sa pagsasayaw.

Maging ang larawan ng bunsong anak niyang si Venice ay naging usap-usapan online dahil sa lumalaki ito na nagiging lalong kamukha na at kasing ganda ng ina.

Si Ruffa Gutierrez ay isang kilalang modelo aktres sa bansa. Itinanghal din siya bilang second runner up ng Miss World 1993.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel