Responsableng netizen, gumawa ng "quarantine diary" para makatulong sa mga frontliners

Responsableng netizen, gumawa ng "quarantine diary" para makatulong sa mga frontliners

- Gumawa ng 'home quarantine diary" ang isang netizen sa Quezon na nagsasaad ng mga detalye kung saan, kailan, at sino ang kanyang mga nakasalamuha sa araw-araw

- Isa raw itong mabisang paraan upang maibsan ang paghihirap ng mga medical frontliners gayundin ang mga nagsasagawa ng contact tracing

- Hinihikayat rin niya ang bawat isa sa atin na gawin din ang napakahalagang bagay na ito ngayong patuloy pa rin ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa

- Hindi rin naman ninanais ng netizen na magamit niya ito kailanman, hangad lamang niyang makatulong at makapagsalba pa ng buhay ng ibang tao

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Responsableng netizen, gumawa ng "quarantine diary" para makatulong sa mga frontliners
Photo (from Wallpaper Flare)
Source: UGC

Isang netizen sa probinsya ng Quezon ang nakaisip ng mainam na paraan upang mas mapadali ang contact tracing, tamaan man o hindi ng COVID-19.

Ibinahagi ni Jah Alpuerto ang kanyang ginawang "home quarantine diary" para makatulong umano sa mga medical frontliners lalo na sa mga nagsasagawa ng contact tracing.

Nalaman ng KAMI na ang "home quarantine diary" ni Jah ay naglalaman ng mga detalye tulad ng petsa, saan siya pumunta nang araw na iyon at kung sino-sino ang kanyang mga nakasalamuha.

Sa ganitong paraan, detalyadong makikita ang impormasyong kinakailangan ng mga contact tracers.

Nilinaw ni Jah na hindi naman niya ipinapanalangin na magpositibo siya sa COVID-19 o ang sinomang gagawa nito. Napakalaking bagay daw kasi na magkaroon ng ganitong journal na pwede pang makapagsalba ng buhay ng marami.

Hangad niyang pamarisan talaga ito ng bawat isa sa atin lalo na at hindi pa rin mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 na wala paring nadidiskubreng lunas.

"Tulungan natin sila, Kung ikaw ay nagpositibo, magsabi ka po ng totoo, wag kang mahiya, kasi sa bawat detalyeng mamimintis mo, triple ang taong apektado," bahagi ng makabuluhang post ni Jah.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Bagaman at marami na ang naitatalang mga naka-recover sa COVID-19, nakakaalarma pa rin ang libo-libong bilang na nadaragdag sa araw-araw.

Isa sa mga nakikitang karagdagan sa problema ay ang simpleng hindi pagsasabi ng totoo ng ilang mga nagpositibo sa virus sa kung saan sila nanggaling, kailan sila napadpad sa pinuntahan at sino-sino ang kanilang nakasama.

Marahil ang ilan sa kanila ay sadyang nakalimot lamang ng mga mahahalagang detalyeng nabanggit kaya malaking bagay na magaroon ang bawat isa ng ginagawa ni Jah.

Huwag nating hintayin pang dumami pa lalo ang mga frontliners na tinatamaan na rin ng virus.

Buwis buhay na silang humaharap sa mga pasyente nang walang kasiguraduhan kung maayos pa silang makakabalik sa serbisyo kinabukasan.

Ang mas masaklap, huwag na nating hintayin pa na mismong ang mga mahal natin sa buhay ang tamaan ng COVID-19 at bigla na lang mawala sila sa ating piling.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica